Claudine Barretto tells Dennis Padilla to stop rants against his daughter Julia

by Arniel C. Serato
Sep 19, 2022
Claudine Barretto appeals to Dennis Padilla to stop posting negative about his children
Claudine Barretto (left) tells Dennis Padilla (rightmost) to stop posting negative things about Julia Barretto (center) and his other children.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Inawat ni Claudine Barretto si Dennis Padilla dahil sa sunud-sunod na posts ng komedyante sa Instagram na tila patama sa anak na si Julia Barretto.

Mukhang nasaktan si Dennis sa pagpapa-interview ni Julia kay Karen Davila kung saan inamin ng Viva actress na not on speaking terms sila ngayon ng ama.

Read: Julia Barretto on forgiving dad Dennis Padilla: “Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready.”

Kahapon, September 18, 2022, nag-post si Claudine sa kanyang Instagram ng larawan ni Dennis.

Mensahe niya sa caption, tigilan na ni Dennis ang kung anu-anong posts sa Instagram laban kay Julia, pati na sa mga kapatid nitong sina Claudia at Leon Barretto.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ng nakatatandang kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto kay Dennis.

Ayon kay Claudine, ang ginagawa ni Dennis ay hindi nakabubuti sa mga bata.

Buong caption niya: “@dennisastig Kuya tama na! Tumigil ka na pls!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Pls stop! Mag usap tayo.”

Claudine Barretto warns Dennis Padilla

Pero, binura rin agad ni Claudine ang post niyang ito.

Lumikha ng ingay si Dennis nitong weekend dahil sa sunud-sunod niyang pagpaparinig sa anak na si Julia.

Nag-ugat ito sa panayam ni Julia sa ABS-CBN broadcaster na si Karen noong September 15, kung saan inamin nitong hindi pa niya handang patawarin ang ama matapos silang magkaroon ulit ng alitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulit-ulit na raw kasi itong nangyayari sa kanila ng mga kapatid na sina Claudia at Leon.

Sabi ni Julia, “I'll be very honest, we have not spoken, and it's because there's just so much fear inside me now, if I'm being very open.

“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.

“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.

"And, you know, I've just been praying also na, I don’t know... maybe in God's time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”

Nanawagan naman si Dennis kay Karen na kapanayamin din siya upang maibahagi naman niya ang kanyang panig sa kuwento.

Read: Dennis Padilla implores Karen Davila for interview after his daughter Julia Barretto's tell-all

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, isang mensahe ang ibinahagi ni Marjorie sa Instagram kung saan inihayag niya ang pagmamahal kay Julia at nangako siyang poprotektahan niya ito.

Read: Marjorie Barretto vows to shield daughter Julia Barretto from Dennis Padilla’s rants

Sa isang panayam naman, inamin ni Claudine na civil na ang relasyon nila ni Marjorie.

Sabi niya, "Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na... wala nang gulo. Alam mong may peace na."

Read: Claudine Barretto, sinagot ang tanong kung magkabati na sila ng kapatid na si Marjorie

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) tells Dennis Padilla (rightmost) to stop posting negative things about Julia Barretto (center) and his other children.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results