Kahit na endorser na ng underwear brand si Luke Conde, hindi makikita ang kanyang buong katawan sa billboard.
"Hanggang garter na lang po ata [sa upper part ng briefs] ang puwedeng makita kapag sa underwear. Pag billboard po, ha," pahayag ni Luke sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong i-launch siya bilang bagong celebrity endorser ng Hanford.
Ginanap ang contract signing and press launch noong October 7, 2022, sa Arete Square building sa Congressional Avenue, Quezon City.
Hindi man sigurado si Luke sa mga detalye ng restrictions sa billboard ads, pero sang-ayon siya sa kanyang narinig na ganoong rule, na ipinatupad dahil sa ibang insidente na may kinalaman sa sexy underwear ads.
Aniya, "Alam ko po ganoon po. Parang nagkaroon na po ng incident na pinatanggal po yung mga talagang kita ang suot ang underwear.
"Ngayon po, hanggang garter lang or half po ng underwear. Hindi na po talaga yung buo ang nakikita.
"So kung gustong makitang buo yung photo, you need to check it online."
Aware naman si Luke na kapag endorser ng sexy underwear ay hindi maiwasang mabigyan ng atensiyon ang kanyang private part.
"Oo naman po, normal naman po yun," ngiti niya.
Ano ang type niyang underwear?
"Mas boxer briefs po yung ginagamit ko. Yung mga low-rise po na boxer briefs," sagot ng binata.
What about bikini briefs?
"Hindi ko po alam hitsura nung bikini brief, e. Boxer shorts saka normal na cut ng briefs po ang sinusuot ko.”
May favorite color ba siya or all-white lang ang gusto niyang kulay for his underwear?
Sabi ni Luke: "Favorite ko po ang white, pero nagba-black din po ako, and sometimes may mga kulay din po. Depende po. May red, may blue, green.
"Pero siguro po mas praktikal ang black siguro sa mga gustong magtipid. Saka mas safe po na kulay sa damit kasi ang black."
Before Christmas makikita na ang kauna-unahang billboard ni Luke sa EDSA.
"So, Merry Christmas po," masayang sambit ni Luke.
Promise ni Luke na ilalagay niya sa kanyang Instagram Story ang kanyang magiging reaksiyon once na makita na niya ang sariling billboard sa EDSA.
Read more: