PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Tolentino on Zeinab Harake-Skusta Clee breakup

Wilbert claims Zeinab was dismayed at his connection to Skusta's alleged "kabit."
by Rachelle Siazon
Published Oct 25, 2022
Wilbert Tolentino, Skusta Clee, Zeinab Harake
Wilbert Tolentino (left) on bashers calling him out for posting a photo with a TikToker (not in photo) who allegedly caused the breakup of rapper Skusta Clee and vlogger Zeinab Harake (right). "Nagulat ako, inulan niyo ako ng comments, na kesyo pambabastos ko kay Zeb [Zeinab]… Kung kabit siya [Aira], out ako diyan. Basta ang tao humarap sa akin nang maayos, kailangan ko makitungo nang maayos.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Umalma si Wilbert Tolentino sa batikos na trinaydor niya umano si Zeinab Harake.

Si Zeinab ay kilalang vlogger na may 13.1 subscribers, habang si Wilbert ay talent manager at vlogger din na may 2.3 million subscribers.

Si Zeinab ang tumulong kay Wilbert na pumasok sa mundo ng vlogging.

Naging malapit na magkaibigan din ang dalawa, pero nagkasira nang i-unfollow at i-unfriend daw ni Zeinab si Wilbert.

May kinalaman sa falling-out nila ang hiwalayan ni Zeinab at ng rapper na si Skusta Clee, aka Daryl Ruiz.

Sa vlog ni Wilbert noong Linggo, October 23, 2022, ikinuwento niyang isa siya sa confidant ni Zeinab noong namomroblema ito sa noo'y live-in partner na si Skusta.

Bago naghiwalay sina Zeinab at Skusta, humingi raw ng advice si Zeinab kay Wilbert, pati na sa vloggers ding sina Donnalyn Bartolome at Angelica Yap, aka Pastillas Girl.

Lahad ni Wilbert, “Honestly, ayoko ma-involve talaga, pero since kinonsider mo ako as momshie mo, pumunta ako sa bahay niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Donnalyn nag-advice na huwag na ituloy ang relasyon.

“Si Angge, for safety lang. Sinabi mo [Zeinab] wala ka makukuha doon [kay Angge] dahil mag-best friends si Pareng Daryl at Flow G."

Ang tinukoy ni Wilbert na "Angge" ay si Angelica na nobyo ang rapper na si Flow G. Tulad ni Skusta, si Flow G ay miyembro ng hip-hop group na Ex Battalion.

Si Wilbert naman ay pabor na magkabalikan sina Skusta at Zeinab.

Ani Wilbert: “Sinabi ko sa iyo na, ‘Straight family man ako, may anak ako. Kung mas importante ang pamilya para sa iyo, i-win back mo si Daryl.’

“Ang sabi mo sa akin, makikinig ka, sige, iwi-win back mo, at mag-uusap kayo.”

Pinagsabihan pa raw ni Wilbert si Zeinab na iwasan nitong pahiyain si Skusta sa harap ng ibang tao.

Gusto raw kasi ni Wilbert na maging aware si Zeinab sa bagay na maaari nitong i-adjust para maging maayos ang relasyon nito kay Skusta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaayos naman daw sina Zeinab at Skusta.

Tugma ito sa screenshot ng Facebook chat exchange nina Wilbert at Zeinab noong March 13-14, 2022.

Nagpasalamat daw si Zeinab sa suportang ibinibigay ni Wilbert sa kanila ni Skusta.

Zeinab Harake

A BLIND ITEM SPARKS FALLING-OUT BETWEEN WILBERT AND ZEINAB

Hanggang sa nagulat daw si Wilbert nang madawit siya sa kontrobersiya sangkot ang couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-blind item daw sina Zeinab at Skusta sa isang radio show, at "pinagbibintangan" daw siyang source ng blind item.

Kinompronta ni Zeinab si Wilbert hinggil sa isyu.

Gamit ang Facebook account ni Skusta, ipinaabot daw ni Zeinab kay Wilbert ang blind item tungkol sa mister na "naubos ang pasensya" sa misis na "bungangera at namamahiya."

Ang clue kung sino ang mister ay ginamitan ng lyrics mula sa isang Ex Battalion song, at ang clue kung sino si misis ay "maraming subscribers."

Pero itinanggi ni Wilbert ang alegasyong nanggaling sa kanya ang blind item ng radio show.

Buwelta ni Wilbert: “Ikaw mag-isip, Zeb. Ako nga nagpabalik sa inyo ng family.

“Bakit ako sisisihin niyo? Sa tingin niyo ba, pag iyan ba ay nakuwento ko ay makakatulong ba sa para pamilya mo?

“Bakit pa ako nagbigay sa iyo ng advice? Makes sense ba tayo?”

Pagkatapos noon ay wala na raw komunikasyon sina Zeinab at Wilbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILBERT SYMPATHIZES WITH SKUSTA clee

April 13, 2022, naiulat ang pagsisiwalat ni Zeinab na siya ay nakunan at hindi nag-survive ang second baby sana nila ni Skusta.

April 22, 2022, naiulat na nag-unfollow-an sa Instagram sina Zeinab at Skusta at naging hudyat ito para matunugan ng netizens na hiwalay na ang couple.

May 2022 nang kumpirmahin ni Zeinab na break na sila ni Skusta, at ang dahilan ay ang pambababae at pambabalewala umano ni Skusta sa kabila ng pagdadalantao niya noon.

Sa patuloy na paglalahad ni Wilbert, sinabi niyang April 25, 2022 nang makatanggap siya ng tawag mula kay Skusta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa phone call na iyon nalaman daw ni Wilbert ang bersiyon ni Skusta sa breakup nito at ni Zeinab.

Sa galit daw ni Zeinab ay sinira nito ang studio ni Skusta (Daryl).

"Lahat ng file ay winarak niya. Pati kasamahan ni Daryl, na iyan na lang ang panghanapbuhay nila ay nasira lahat.

"Di niya naisip na lahat dinamay niya," saad ni Wilbert.

Pati ang sasakyang binili raw ni Skusta kay Zeinab ay binawi ni Zeinab.

Sabi ni Wilbert, "Pinapunta ni Zeb ang father niya dala ang mga pulis at binawi ang sasakyan.

"During that time, hinayaan lang niya [Skusta]... I feel bad kay Pareng Daryl nung nag-reach out siya."

WILBERT ON "THIRD PARTY" IN ZEINAB-SKUSTA BREAKUP

Ayon kay Wilbert, isang dahilan kung bakit lalong sumama ang loob ni Zeinab sa kanya ay ang koneksiyon ni Wilbert sa isang TikToker na nagngangalang Aira Lapitan.

Matatandaang si Aira ang naiulat na hinihinalang "third party" sa hiwalayan nina Zeinab at Skusta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May 28, 2022, usap-usapang nasangkot sa komosyon sa isang bar sa Quezon City sina Zeinab at Aira.

Diumano, kinompronta ni Zeinab si Aira noon.

Read: Did Zeinab Harake confront a TikToker in a bar because of ex-partner Skusta Clee?

Pero liban sa mga pasimpleng parinigan sa Twitter, tikom-bibig si Zeinab sa sinasabing engkuwentro nila ni Aira sa bar.

Sa parte ni Wilbert, labas daw siya kung anuman ang isyu ni Zeinab kay Aira.

Kaya raw noong September 3, 2022, nagpasya si Wilbert na i-post ang pagkikita nila ni Aira sa isang coffee place.

Sabi niya sa caption, "Nice meeting u nak Aira Lipata [heart emoji]."

Aira Lipata, Wilbert Tolentino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw nakikitang masama si Wilbert sa maayos na pakikitungo niya kay Aira, dahil maayos daw itong humarap sa kanya.

Pero tila nasaktan si Zeinab sa tingin nito ay pagkampi ni Wilbert kay Aira.

Ipinakita ni Wilbert ang screenshot ng message na natanggap niya mula kay Zeinab.

Ayon sa mensahe ni Zeinab, kung "anak-anakan" ang turing sa kanya ni Wilbert ay hindi nito kinuha ang taong tinawag ni Zeinab na "kabet" at siyang "sumira ng pamilya ko."

Wilbert Tolentino, Zeinab Harake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Depensa naman ni Wilbert, "Masama ba akong tao na idededma ko [si Aira]? Pag galit ba ni Zeb pati ako damay? Kailangan galit din ako sa kanya? Di ko siya papansinsin? Hindi ganun.

"The moment humarap siya sa akin at alam kong sinayaw niya yung kanta ni Madam Inutz, sinayaw niya rin ang kantang 'Gandang Hipon' [ni Herlene Budol] without any kapalit.

"Pinicture ko para mag-thank you."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Tolentino (left) on bashers calling him out for posting a photo with a TikToker (not in photo) who allegedly caused the breakup of rapper Skusta Clee and vlogger Zeinab Harake (right). "Nagulat ako, inulan niyo ako ng comments, na kesyo pambabastos ko kay Zeb [Zeinab]… Kung kabit siya [Aira], out ako diyan. Basta ang tao humarap sa akin nang maayos, kailangan ko makitungo nang maayos.”
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results