Nag-sorry si Sarah Geronimo sa kanyang pamilya, partikular sa mga magulang na sina Delfin Geronimo at Divine Geronimo, o mas kilalang bilang Mommy Divine.
Hindi kaila sa publiko na may matagal nang tampuhan sa pagitan ni Sarah at ng kanyang mga magulang.
Pinag-usapan nang husto noon ang pagsugod ni Mommy Divine sa reception ng secret wedding nina Sarah at Matteo sa Ministry of Crab sa Shangri-La at the Fort sa BGC.
Ang tagong pagpapakasal nina Sarah at Matteo ay naganap noong February 20, 2020 sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig.
Inilihim ang kasal ni Sarah mula sa kanyang mga magulang, dahilan para magwala si Mommy Divine.
Read:
- Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened
- Boss Vic del Rosario reveals how he intervened in Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli-Mommy Divine family feud
- PHP200K bigay ng Viva sa bodyguard ni Sarah Geronimo, hindi areglo kundi tulong?
Mula noon ay walang direktang napaulat na tuluyan nang nagkaayos si Sarah at ang kanyang pamilya.
Pero ngayong Sabado, October 29, 2022, humingi ng tawad si Sarah sa kanyang mga magulang at pamilya.
SARAH’S MESSAGE TO HER PARENTS
Idinaan ni Sarah ang pagso-sorry sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Instagram.
Sinimulan ni Sarah ang post sa pagsasabing nais niyang pasalamatan ang lahat dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanya anuman ang mangyari.
“Hindi ko po ito madalas gawin dahil gusto ko po mapanatiling pribado ang aking personal na buhay pero pinipili ko pong kunin ang pagkakataon na ito…” sabi ng tinaguriang Popstar Royalty.
“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po.
Pagpapatuloy ng singer (published as is), “Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid.
“Lahat ng suporta at pag aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.
“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip.”
Inihayag ni Sarah na sa pinagdaanan ng kanilang pamilya, natutunan daw niya ang tungkol sa “pang-unawa at pagtanggap na walang perpekto na buhay o pagmamahal mula sa ating mga tao lamang.”
Natutunan daw niya ang kahalagahan ng “pagpapakumbaba” at ang “pagtutulungan” para sa ikabubuti ng mga taong minamahal gaya ng pamilya.
Makahulugang mensahe pa ni Sarah, “Dahil ang pamilya ay binuo ng Diyos, at patuloy itong magiging buo kung pagmamahal at pagpapakumbaba ang paiiralin sa ating mga puso ano man ang pagkakaiba o maging choices, desisyon sa buhay ng bawat isa.”
May pahiwatig din si Sarah tungkol sa mga pinagdaanang kontrobersiya sa pagiging public figure.
Saad niya, “Napakadali din para sa atin na manghusga at magbigay ng opinyon sa buhay ng iba.
“Wala tayong kontrol sa pag-iisip nila, ang pinakaimportante ay alam mo kung ano ang katotohanan sa puso mo.
“The truth is in the end, it’s just really between you and God.
“In my darkest hour, I was also reminded to look to God and feel his unfailing love and faithfulness through His word and grace.
“I have learned to find joy and peace again in God alone. The author of love and the perfect of our faith.”
Paalala pa ni Sarah, sa kabila man ng mga nangyayari ngayon ay huwag daw kalimutang iparamdam ang pagmamahal sa mga mahal sa buhay.
“Wag po natin kakalimutang pahalagahan ang bawat oras at pagkakataon na binibigay sa atin ni Lord para maiparamdam sa ating mga mahal sa buhay kung gaano sila kahalaga, kung gaano natin sila kamahal.”
Pinasalamatan din niya ang fans na “patuloy na sumusuporta sa akin bilang isang artist at umuunawa sa akin bilang normal na tao..”
Nagpasalamat din si Sarah sa Vic del Rosario, ang big boss ng Viva na humawak sa career ni Sarah sa nakalipas na dalawang dekada.
Ang huling mensahe ni Sarah ay para sa “buong Geronimo family.”
Aniya, ang kanyang pamilya ang naging inspirasyon niya para maging isang performer.
“Ngunit bilang isang anak, at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan.
“Muli, maraming salamat para sa inyong pagmamahal at para sa inspirasyon. Mahal na Mahal ko kayo.”