Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang isang netizen na pumula sa kanya sa Instagram.
Sa kanyang post noong November 2, 2022, ibinahagi ni Heart ang kanyang pag-mix and match ng damit.
Caption niya rito, “Season 3 na! Get ready with me [check, sparkle emojis]”
View this post on Instagram
Halos lahat ng komento sa kanyang post ay positibo puwera sa isang naligaw na basher
Sabi ng basher: “U look like butiki! Lol”
Binuweltahan ni Heart ang basher.
Aniya, sinubukan niyang maging kamukha ng butiki. Buti pa raw ang basher dahil wala itong kahirap-hirap maging mukhang butiki.
Buong sagot ni Heart: “Omg I really tried to look like that !!:) Buti ka pa effortless :)”

Sumagot sa kanya ang basher.
Palusot nito, “I don’t mean harm or bad way.”

Hindi na siya sinagot ni Heart, pero binatikos naman ito ng followers ng aktres.
Nasa bansa na si Heart matapos ang ilang linggo niyang pamamalagi sa Paris.
Pero nananatiling tikom ang bibig nito sa usaping hiwalayan nila diumano ng asawang si Senator Chiz Escudero.
August 2022 nang unang umugong na tila may dinadaanang problema ang mag-asawa.
Isa sa mga espekulasyon ng netizens tungkol sa diumano’y hiwalayan ay ang pagtanggal ni Heart ng apelyido niyang "Escudero" sa kanyang Instagram bio.
Sinasabing hindi na rin umano nakikitang isinusuot ni Heart ang kanyang wedding ring.
Noong September 2, 2022, nag-iwan ng palaisipan ang vlog ni Heart kung saan inamin niyang may dinadaanan siyang "personal struggles."
Bahagi ng nasambit niya, "Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy."
OTHER RELATED STORIES:
- Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero, may tampuhan?
- GMA Network debunks report that it is confirming Heart Evangelista-Chiz Escudero "breakup"
- Heart Evangelista confirms she now has new apartment in Paris
- Heart Evangelista no greeting post for Chiz Escudero’s birthday; Chiz still wears wedding ring
