PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda blessed to have partner Ion Perez by his side

Vice: "I’m very happy na meron akong constant source of strength and happiness."
by Arniel C. Serato
Published Nov 8, 2022
Vice Ganda anniversary speech
Vice Ganda on partner Ion Perez: “Suwerte ko, di ba, meron akong kasama na hindi nahihiyang sabihin yung mga bagay na minsan nakakahiya. Kasi minsan ang cheesy pakinggan, ang cheesy sabihin, ang cringey for other people, pero siya wala siyang kebs."
PHOTO/S: Courtesy: Vice Ganda on YouTube

Sa okasyon ng kanilang ika-apat na anibersaryo bilang magkarelasyon noong October 25, 2022, sinabi ni Vice Ganda sa kanyang speech na kampante na sila ng partner na si Ion Perez sa isa’t isa.

Nagdiwang ang dalawa sa isang private resort sa Tiaong, Quezon.

Read: Vice Ganda, Ion Perez celebrate 4th anniversary with fireworks

Ayon pa sa It’s Showtime host, wala na silang kailangang ibigay na assurance sa isa’t isa dahil naipakita na nila ito sa araw-araw nilang pagsasama.

Ang pinakamahalaga raw na naibigay sa kanya ni Ion ay ang kapayapaan lalo na sa kanyang itinuturing na "fragile moments."

Sa vlog na inilabas ni Vice kagabi, November 7, nagkuwento ang comedian-TV host kung paano siya ginagabayan ni Ion araw-araw.

Saad niya, “Ion was trying to be very strong for me. Ganun kami, e, salitan kaming dalawa. Kapag may fragile moments ako, pinipilit niyang maging malakas for me.”

At ganun naman din daw siya sa partner kapag ito ang may fragile moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kaming dalawa, naghihiraman lang kami ng lakas, at yun ang pinakamalaking regalo ng Diyos.

“Bukod sa pamilya ko at malalapit kong kaibigan, may isang malaking sandigan ako ng lakas na binigay niya sa akin para hindi ako manghina sa mga pagkakataon na ngarag.”

Mensahe pa ni Vice kay Ion: “Kaya I’m just very thankful that you’re always around, at I’m very happy na meron akong constant source of strength and happiness na kahit wala kang ginagawa, yung nandiyan ka lang, yung alam ko na nandiyan ka lang, ang laking-laking bagay na sa akin yun.”

Vice Ganda Ion Perez speech on their 4th anniversary

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Vice, ngayon lamang siya nakatanggap ng ganitong atensiyon mula sa isang karelasyon.

“At ang sarap-sarap makaramdam na for the longest time, for the longest time na bigay ka nang bigay, ang sarap dumating nung araw na ikaw naman yung nakakatanggap kahit wala kang hinihingi.

“Punung-puno ako ng assurance ko sa sarili ko na matagal na matagal na matagal ko pa ‘tong mae-experience. Yung wala akong naramdamang takot.

“I’m so assured and secured of your love. And you being there for me and with me. Kaya, thank you, thank you very much and I love you.

“Happy fourth anniversary, for the win, forever, and ever, amen.”

Sabi naman ni Ion, mamahalin niya si Vice hanggang kaya niya at hanggang sa pagtanda.

Biniro pa niya itong magpapakasal pa sila balang araw.

Reaksiyon ni Vice, “Suwerte ko, di ba, meron akong kasama na hindi nahihiyang sabihin yung mga bagay na minsan nakakahiya. Kasi minsan ang cheesy pakinggan, ang cheesy sabihin, ang cringey for other people, pero siya wala siyang kebs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Your’e one in a million. And I’m so blessed to have you. Happy anniversary, I love you.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on partner Ion Perez: “Suwerte ko, di ba, meron akong kasama na hindi nahihiyang sabihin yung mga bagay na minsan nakakahiya. Kasi minsan ang cheesy pakinggan, ang cheesy sabihin, ang cringey for other people, pero siya wala siyang kebs."
PHOTO/S: Courtesy: Vice Ganda on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results