PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda, Ion Perez celebrate 4th anniversary with fireworks

Ion Perez: "Ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!"
by Arniel C. Serato
Published Oct 25, 2022
Vice Ganda, Ion Perez mark 4th anniversary
It's Showtime host Vice Ganda and boyfriend Ion Perez celebrate their fourth anniversary in a private resort in Quezon Province last night, October 24, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @pereziion27 / @praybeytbenjamin on Instagram

Apat na taon na ang relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez ngayong Martes, October 25, 2022.

Sinalubong nila ang kanilang anibersaryo Lunes ng gabi, October 24, na may videoke party at fireworks display.

Sa Instagram kaninang madaling-araw, ibinahagi ni Ion ang dalawang larawan nila ng partner na si Vice kung saan makikita silang ini-enjoy ang fireworks display sa malawak na garden ng isang private resort sa Tiaong, Quezon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ion na "walang rason" para maging mali ang pagmamahal niya sa It’s Showtime main host.

Aniya, “Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!

“Happy 4th anniversary asawako! [three purple hearts emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi rin ni Ion ang ilang eksena sa kanilang selebrasyon.

Vice, Ion celebrate 4th anniversary as a couple

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayundin si Vice.

Vice, Ion celebrate 4th anniversary as a couple

Ilan sa mga imbitado sa party nina Vice at Ion ay si Awra Briguela at Hashtags members Kid Yambao, Wilbert Ross, at Zeus Collins.

Nag-post din si Zeus ng video noong idinaos na ang fireworks display.

Caption niya, “Happy anniversary Gandara & Ion De Guzman!

"Ito ang masarap panoorin sa social media yung puno ng pagmamahal [heart, praying hands, 100% emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE-ION RELATIONSHIP

Bungad ng taong 2018 unang na-link sina Vice at Ion.

Bandang Marso ng nasabing taon, mas lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa dalawa.

Noong panahon na yun, kapapasok pa lamang ni Ion sa It's Showtime bilang Kuya Escort sa segment na "Miss Q&A."

Umamin si Vice sa relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019, kasabay ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng It’s Showtime.

Ginawa ni Vice ang pag-amin pagkatapos ng performance niya sa "Magpasikat" segment ng noontime show.

Nagkuwento ang TV host-comedian tungkol sa pagiging mag-isa, dahil wala siyang kasamang host para sa kanyang "Magpasikat" performance.

Ayon kay Vice, lagi niyang sinasabi sa mga meeting nila na kaya niyang mag-isa, pero ang totoo ay hindi niya ito kaya nang siya lang.

Sabi niya, "Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

"In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa."

Pagkatapos nito ay sinabi ni Vice na hindi siya nag-iisa, makalipas ang maraming taong naramdaman niyang siya ay mag-isa.

Pagpapatuloy ni Vice, "At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

"At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

"Meron na akong katuwang sa buhay."

Doon na niya inilahad ang tunay na estado ng relasyon nila ni Ion.

Read: Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime host Vice Ganda and boyfriend Ion Perez celebrate their fourth anniversary in a private resort in Quezon Province last night, October 24, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @pereziion27 / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results