PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Are Cristine Reyes and David Chua dating?

Is Cristine Reyes dating David Chua?
by Arniel C. Serato
Published Nov 14, 2022
Cristine Reyes, David Chua spotted together at LANY's concert
Actress Cristine Reyes and actor-director David Chua spotted together at LANY concert last Friday, November 11, 2022.
PHOTO/S: Credit to the owner

May something special ba sa pagitan nina Cristine Reyes at David Chua?

Spotted na sabay nanood ang dalawa sa unang gabi ng LANY concert sa Mall of Asia Arena noong Biyernes, November 11, 2022.

Enjoy na enjoy ang dalawa sa concert kung saan nakapuwesto pa sila sa VIP section kasama ang ilang kaibigan.

View this post on Instagram

A post shared by DAVID CHUA (@daviduychua)

Ayon sa netizens, parang may namumuong something sa dalawang celebrities.

Ayon naman sa isang source, kasama rin nina Cristine at David ang cast ng Good Will, ang teleseryeng ginagawa ni David para sa Net25.

Bukod sa pagiging aktor, mas nakatuon ang pansin ngayon ni David sa pagdidirek kung saan siya ang tumitimon sa Rated Korina ni Korina Sanchez.

Matagal na ring magkaibigan sina David at Cristine, kung saan nagkasama sila nang matagal noong parehong nasa poder pa sila ng ABS-CBN.

Matagal nang walang napababalitang idini-date ngayon ang aktres na si Cristine.

Ilang taon nang hiwalay si Cristine sa asawang si Ali Khatibi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Enero pa ng taong 2018 nagsimula ang bulung-bulungang nagkakalabuan na raw ang mag-asawa.

Ngunit iniiwasan ni Cristine ang mga tanong tungkol sa kanyang marriage life kapag nai-interview siya ng media.

Pero noong March 2019, sa panayam niya sa programang Headstart ng ANC, hindi kinumpirma o itinanggi ng aktres ang balita.

Pero sinabi ni Cristine na “civil” sila ni Ali sa isa't isa.

Ito ay alang-alang na rin daw sa kapakanan ng kanilang nag-iisang anak na si Amarah Khatibi.

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 27, 2016 sa isang civil ceremony sa Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.

Read: Cristine Reyes finally breaks silence on rumored separation from Ali Khatibi

Samantala, wala namang napapabalitang karelasyon ngayon si David.

Pero sa kanyang ika-33 kaarawan noong March 2022, may "special friend" na nakasama ang actor-director sa kanyang selebrasyon sa Antonio’s sa Tagaytay City.

Read: Sino ang "special friend" na kasama ni David Chua nang magdiwang ng kaarawan ang actor-director?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Cristine Reyes and actor-director David Chua spotted together at LANY concert last Friday, November 11, 2022.
PHOTO/S: Credit to the owner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results