PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hajji Alejandro recounts fondest memories with Danny Javier

According to Hajji, it was Danny who coined the OPM acronym
by Rommel Gonzales
Published Nov 20, 2022
Hajji Alejandro at the presscon for his Mana-Mana Lang concert
Hajji Alejandro recounts his fondest memories with OPM icon and APO Hiking Society co-member Danny Javier, who passed away on October 31, 2022. He reminisces, “Totoong tao talaga si Danny Javier and napakalaking kawalan niya sa ating industriya.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Malaki ang naging bahagi ng APO Hiking Society member na si Danny Javier sa career ni Hajji Alejandro.

Isinalaysay ni Hajji sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hindi niya malilimutang mga alaala tungkol kay Danny na pumanaw nitong nakaraang October 31, 2022.

Umpisa niya, “Oh, definitely! Ang dami, ang dami!

"Kasi karakter iyang si Danny, e. Ang sarap kasama niyan, barkada ko talaga, e.

"Magkakasama kami hindi lang onstage, ano? Bilang magka-golf kami, golf buddies, pareho kaming frustrated golfer niyan, e."

Sa patuloy niyang kuwento sa PEP.ph nitong nakaraang Lunes, November 14, sa mediacon ng Mana-Mana Lang, ang concert nila ng anak niyang singer rin na si Rachel Alejandro, tinahak ni Hajji ang masasaya at malalim na pinagsamahan nila ni Danny.

Mana-Mana Lang concert featuring Rachel Alejandro and Hajji Alejandro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang magagandang memories ko sa kanya was yung bagung-bago pa lang ako as solo artist.

"Kasi sila ng APO, aside from being contract artists of Jem Records, yung unang recording company namin, they also worked for Jem, in different departments.

“Si Jim Paredes, sa recording iyan. Siya nagpo-produce. Si Danny, in-charge sa mga ano, e, parang promo saka yung sa mga radio, sa DJ siya yung ano.

"Ang fond memory ko sa kanya, yung unang-unang radio visit ko to promote my single, 'Tag-Araw, Tag-ulan' at saka 'Panakip Butas.'

"Si Danny ang nag-accompany sa akin, in-introduce ako sa lahat ng mga DJs sa Metro Manila, sa mga top radio stations at that time.

"So, andami niyang itinuro sa akin... kasi maganda ang PR ni Danny, e. Yun yung nakita ko sa kanya talaga e, na gusto kong ma-emulate right away.

"Kasi ako, mahiyain ako to the point na nung araw when I first started, ang akala ng mga tao suplado ako!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"To this day, actually marami pa rin ang nagsasabing suplado ako. Hindi nila alam iba ang nature ko offstage, e.

"Naiiba ako pag nasa entablado ako, nagiging makapal ang mukha ko, e. Pero offstage mahiyain akong tao talaga.

“Si Danny has contributed so much, sa mga composition niya, saka yung personality niya onstage, di ba?

"Ang tingin ko nga sa kanya nung araw nung pare-pareho kaming nasa eskuwela, siya ang bida, e!

“Lagi siyang bumabangka pag nasa stage ang APO, ang style niya parang si Mick Jagger. Di ba? Ganun, e, pati mga galaw niya, e.

“So, sabi ko ang gandang ano, nakaka-inspire ito. 'Tsaka nakita ko, even offstage ganun siya. Pareho lang ang personality niya, what you see is what you get.

“And then lalo ko siyang nakilala, nag-concert tour kami lahat ng artists ng Jem, kasama si Ryan Cayabyab, sila Celeste Legaspi, Florante, Susan Fuentes, yung sabay-sabay kaming kumakain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“For several months, nag-tour kami nationwide promoting Christmas albums as well as our individual na kanya-kanyang album.

“Dun ko nakilala talaga na totoong tao talaga si Danny Javier and napakalaking kawalan niya sa ating industriya.”

“Iba siya, iba siya so mami-miss taga ng industriya si Danny Javier.”

REVERED COINER OF OPM

At may importante pang rebelasyon si Hajji tungkol sa yumaong music icon.

“Siyanga pala, a little trivia: yung salitang OPM was coined by Danny Javier. And that came about nung ginawa ko yung album containing 'Kay Ganda Ng Ating Musika.'

"Si Danny, magkasama kami sa Jem, suggested, ‘Hajji, ang gawin nating title ng album mo Strictly OPM!’

“Sabi ko, ‘Ano yun?’ ‘OPM nakalagay sa ilalim, Original Pilipino Music.’

''‘Uy, maganda iyan!’ sabi nina Willy Cruz, mga bossing ng Jem noon.

“So si Danny, kay Danny nagmula at unang nakita yung word na OPM, dun sa third album ko na Strictly OPM containing the music 'Kay Ganda Ng Ating Musika.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Utang natin kay Danny yun!”

Nakausap namin si Hajji nitong Lunes, November 14, sa mediacon ng Mana-Mana Lang, ang concert nila ng anak niyang singer rin na si Rachel Alejandro.

Ang concert ni Hajji ay gaganapin sa December 9 sa ballroom ng Winford Manila Resort & Casino sa Tayuman, Manila sa likod ng SM San Lazaro.

Guest sa concert si Rox Puno na anak naman ng isa pang music icon na si Rico J. Puno.

Hajji Alejandro with Rox Puno, son of Rico J Puno

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang musical director ng concert ay ang anak rin ni Hajji na si Ali Alejandro ng grupong Mojofly na guest rin sa concert.

Sa direksiyon ni Vergel Sto. Domingo, si Tony Boy Faraon ng Rotary Club of Manila ang producer ng Mana-Mana Lang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hajji Alejandro recounts his fondest memories with OPM icon and APO Hiking Society co-member Danny Javier, who passed away on October 31, 2022. He reminisces, “Totoong tao talaga si Danny Javier and napakalaking kawalan niya sa ating industriya.”
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results