PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla wishes to reconcile with children before Christmas

Dennis gets emotional when asked about his message for Julia, Claudia, Leon.
by Jojo Gabinete
Published Nov 30, 2022
dennis padilla children
Dennis Padilla on misunderstanding with his children with Marjorie Barretto: siyempre yung mga anak ko, may mga pride na rin. Hindi ko naman sila masisisi dahil isang tao rin ako na ma-pride... Na hindi ko sinasabi na tama, pero sa mundo na ginagalawan natin, kailangan ng konting ganoon dahil it’s one way of protecting your name and character. So, nauunawaan ko ang mga anak ko."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram / Facebook

Nakarating kay Dennis Padilla ang mga sinabi ng anak niyang si Leon Barretto na handa siyang makipagkasundo sa kanyang estranged father.

Ang pahayag ni Leon ang nag-udyok sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na makipag-ugnayan sa 60-year-old comedian upang hingin ang reaksiyon nito tungkol sa sinabi ng nag-iisang anak na lalake nila ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.

Read: Leon Barretto hopes to reconcile with dad Dennis Padilla

Hindi maipagkakailang ang mga pahayag ni Leon ang nagpatindi sa pangungulila ni Dennis sa tatlong anak nila ni Marjorie kaya hindi niya napigilan ang paulit-ulit na pagluha nang makausap siya ng PEP.ph, sa pamamagitan ng Zoom, ngayong Miyerkules, November 30, 2022.

May kinalaman din ang papalapit na Pasko sa kagustuhan ni Dennis na magkausap nang personal at magkasundo na sila ng mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon.

Ayon sa comedian, isang napakasakit na karanasan para sa kanyang iwanan ang tatlong anak nang maghiwalay sila ni Marjorie noong May 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya sa PEP.ph, “Julia was ten years old then; si Claudia, eight years old; at si Leon, three going four years old.

Kapag naghiwalay kayong mag-asawa, masakit yun, pero ang mas painful part, yung mahihiwalay ka sa mga anak mo.

“Pero yung mawalan ka ng communication sa mga anak mo, torture talaga. Torture yun kasi hindi ko na sila nakakausap.”

Nakaranas ng mga batikos si Dennis mula sa netizens dahil ginamit niya ang social media para iparating sa kanyang mga anak ang mensaheng batiin sana siya ng mga ito ng "Happy birthday" nang ipagdiwang ng komedyante ang 60th birthday noong Pebrero 9, 2022 at nang gunitain ang Araw ng mga Ama noong June 19, 2022.

Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

Malumanay na pahayag ni Dennis, “Sa mga nagba-bash, nauunawaan ko naman ang mga damdamin niyo.

"Ang mga nakakaintindi sa akin, yung kapwa parents. Pero yung millennials or GenZ na mga anak, hindi pa sila makaka-relate sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maybe the time na makaka-relate lang ang bashers, kapag naging parents na rin sila someday.”

Umaasa si Dennis na magkaayos na sila ng kanyang mga anak bago sumapit ang Pasko.

“Actually, Marjorie is out of the question na. You know why? Because the three children are all adults. Leon is 19 going 20, Claudia is 23, and Julia on March will be 26.

“Si Marjorie, makakapag-suggest na lang, pero siyempre, hindi na siya puwedeng mag-push nang todo-todo kasi adult na nga yung mga bata.

“Siguro makakatulong din kapag sinabi niya na, 'Makipag-ayos na kayo sa tatay niyo para maging tahimik na tayong lahat.'”

OUT OF FRUSTRATION

Inamin ni Dennis na napagtaasan niya ng boses at nakapagbitaw siya ng masasakit na salita nang magkausap sila noon ng kanyang mga anak sa telepono. Pero hindi raw ito nangangahulugang nagtatanim siya ng galit dahil mahal na mahal niya sina Julia, Claudia, at Leon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Out of frustration" ang sinabing dahilan ni Dennis sa pagtataas niya ng boses. Pero kailanman, hinding-hindi raw siya nagalit sa kanyang mga anak.

Saad niya, “Kahit ako nagkaroon ako ng tampo sa nanay at tatay ko noong araw, isang taon kaming hindi nag-uusap.

“Ang anak ang nakakatiis sa magulang, pero ang magulang, hindi. Laging ang magulang ang unang susuko.

“Pero sa ngayon, nauunaawan ko rin ang mga bata kasi may iba na silang mundo. May iba na rin silang set of friends na nakakasama.

“Kumbaga, yung community where they belong is very different to the community where I belong.

“Marespeto rin naman yung generation ngayon, pero magkaiba sa generation noon."

Dagdag ni Dennis, “Ang isa ko pang nakikita diyan, siyempre yung mga anak ko, may mga pride na rin. Hindi ko naman sila masisisi dahil isang tao rin ako na ma-pride.

“Maybe, I inherited it from my father. Mataas din ang pride ng tatay ko na na-inherit ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na hindi ko sinasabi na tama, pero sa mundo na ginagalawan natin, kailangan ng konting ganoon dahil it’s one way of protecting your name and character.

"So, nauunawaan ko ang mga anak ko."

MESSAGE TO HIS CHILDREN

Nang hingin namin ang mga mensahe niya para kina Marjorie, Julia, Claudia, Leon, at sa kanyang stepdaughter na si Dani Barretto, na tunay na anak ang turing ni Dennis, nabasag ang boses ng komedyante dahil pinigilan nito ang muling pagpatak ng luha.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dati nitong karelasyong si Kier Legaspi.

dennis padilla children

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ni Dennis kay Leon: “Leon, usap naman tayo. I miss you na. Ikaw lang ang lalake kong anak diyan kaya dapat ikaw ang una kong makausap. Let’s talk man to man."

Para kay Julia: “Julia, alam ko naman na happy ka sa career mo, saka sa buhay mo. Kung anuman yung pagkukulang ko, sana mabigyan mo naman ng chance na magkausap tayo uli."

Para kay Claudia: "Clau, sa mga anak ko, parang sa iyo ako pinakamaraming utang. Lagi na lang ang name-mention, ang pangalan ni Julia. Mas madalang na name-mention ang pangalan mo.

"Pero Clau, gusto kong malaman mo na kung gaano ko kamahal ang mga kapatid mo, kapantay lang ang pagmamahal ko sa iyo.

"I repeat, I never divide my love, I always multiply."

At para kay Dani: “Dani, I always consider you as Ate Dani even when you were small. I know you understand me and I know na kaya lang hindi ka nakaka-reply is because you want peace, at naiintindihan ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I am proud of you because you’re a good businesswoman, a very effective vlogger, and a very caring mother and wide.

"We are proud of you, Dani, I love you and I miss you."

May mensahe rin si Dennis sa dating asawa: “Marjorie, sana mabigyan tayo ng chance na makapag-usap para maliwanagan yung mga bata.

"Kung anuman yung mga pagkukulang noon, yung mga pagkakamali noon, huwag na nating ungkatin.

"At siguro magiging maganda yung blessings nitong darating na taon kung malalaman ng mga anak natin na wala nang hatred amongst us. Kasi, kahit ano ang mangyari, hanggang sa dulo ng mundo, we will remain as the father and mother of our children.

“So, kalimutan na natin ang mga hindi pagkakaunawaan. Alam ko naman na masaya na rin kayo sa buhay ninyo, pero siguro, madadagdagan ang happiness na yan at saka mas marami ang positive na darating kung malalaman ng mga anak natin na civil tayo sa isa't isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla on misunderstanding with his children with Marjorie Barretto: siyempre yung mga anak ko, may mga pride na rin. Hindi ko naman sila masisisi dahil isang tao rin ako na ma-pride... Na hindi ko sinasabi na tama, pero sa mundo na ginagalawan natin, kailangan ng konting ganoon dahil it’s one way of protecting your name and character. So, nauunawaan ko ang mga anak ko."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results