Nabiktima ng Basag-Kotse Gang ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Nangyari ang insidente sa Molino Road, Brgy. Molino 3, Bacoor, Cavite, kagabi, November 30, 2022, ayon sa Bacoor City Police.
Natangay ng mga magnanakaw ang dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13 matapos basagin ang right rear passenger window ng kanilang Jeep Wrangler Wagon.

Makikita sa mga larawan ng Bacoor City Police na halos basagin lahat ng mga magnanakaw ang salamin sa gitnang bahagi ng kotse.

Makikita ring nag-file ng police report si Ronnie.

Hindi naman nasaktan sina Ronnie at Loisa sa insidente.
Ayon sa report ng DZBB, ipinarada ng dalawa ang kanilang sasakyan sa harap ng isang gusali sa Molino at nagtungo sa isang café.
Ngunit pagbalik nila ay nadatnan na nilang basag ang windshield ng kanilang mamahaling sasakyan.
