Posibleng makulong ng mahabang panahon ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate, 62.
Ito ay matapos siyang hatulang guilty ng Sandiganbayan sa isang count ng graft at siyam na count naman sa falsification of public documents.
Nag-ugat ang kaso kay Paulate noong siya ay nanunungkulan bilang konsehal ng Quezon City dahil sa diumano’y pagkuha niya ng 30 ghost employees mula July hanggang November 2010.
Ang sentensiya kay Paulate ay mula anim at walong taon hanggang 62 taong pagkakakulong.
Six to eight years sa graft case at six months to six years naman sa bawat count ng falsification of public documents.
Sa falsification of public documents ay aabot sa 54 taon ang kanyang maaring bunuin sa kulungan. Dagdag pa rito ang walong taon sa graft case kaya aabot sa halos 62 taong pagkakabilanggo ang sentensiya sa kanya.
Bukod sa pagkakakulong, inutusan din siya ng anti-graft court na magbayad ng multang P10,000 sa bawat count ng falsification of public documents. Pinagbawalan na rin siyang manilbihan sa gobyerno.
Inatasan din siya, kasama ang kasabwat diumanong driver niya at liaison officer na si Vicente Bajamunde, na magbayad ng danyos sa gobyerno na P1,109,000.
Ito ay bilang kabayaran sa nakulimbat umano nilang government funds mula sa City Trasurer’s Office ng Quezon City bilang sahod sa mga ghost employee.
Wala pang pahayag ang kampo ni Paulate kaugnay ng desisyong ito ng Sandiganbayan.
Pero noong taong 2012, pinabulaanan na niya ang akusasyong ito laban sa kanya.
Taong 2016, na-dismiss mula sa kanyang puwesto si Paulate at tatlo pang opisyales ng nasabing lungsod, sa utos ng Office of the Ombudsman, kaugnay ng kasong pagha-hire umano ng “ghost employees” noong 2010.
Read: Roderick Paulate, 3 other QC officials dismissed from office for hiring "ghost employees"
2019, muling sinuspende ng Sandiganbayan si Roderick kaugnay pa rin sa nasabing kaso.
Read: QC Councilor Roderick Paulate suspended over pending graft case
More Related Stories:
- Roderick Paulate on new graft, falsification raps: "Paulit-ulit. Same, same."
- Court of Appeals reverses ruling to dismiss Roderick Paulate, 3 other QC officials
- Roderick Paulate thankful for reelection as QC councilor amid corruption charges
- Roderick Paulate insists he did nothing wrong amidst dismissal from office
- Roderick Paulate speaks up on his dismissal from office: "God is just! He knows the truth."
