Muling nakipag-bonding si Sunshine Cruz kay Ma. Socorro "Kath" Angeles, ang current partner ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano, kahapon, December 1, 2022.
Nangyari ang kanilang bonding sa selebrasyon ng ika-17 kaarawan ng bunsong anak nina Sunshine at Cesar na si Chesca Montano.
Kasama ni Kath ang anak nila ni Cesar na si Kristen.
Present din ang dalawa pang kapatid ni Chesca na sina Angelina at Sam Cruz.
Ngayong Biyernes, December 2, ibinahagi ni Sunshine ang larawan kung saan magkasama sila ni Kath at ang kani-kanilang mga anak.
Sa caption, sinabi ng aktres na masuwerte ang kanyang tatlong anak dahil nagkaroon ang mga ito ng bagong “Tita.”
Buong caption ni Sunshine, “Happy to see you last night @maarriiaaa05 & Kristen. Chesca, as well as Sam and Angelina are truly blessed to gain a Tita Kath.
“[heart emoji] Thank you for loving the three girls. They are grateful to you and they love you, their dad and their siblings. [smiling face, heart emojis]”
View this post on Instagram
Unang nagkita at nagkakilala sina Sunshine at Kath noong September 23, 2022, sa ika-21 kaarawan ng panganay nina Sunshine at Cesar na si Angelina.
Read: Sunshine Cruz "so happy" to meet ex-husband Cesar Montano's kids with Kath Angeles
Hinangaan ng netizens ang pagiging civil ni Sunshine kay Kath, at mula noon ay inuturing na niyang “blended family” ang kanilang set-up.
Ayon sa post ng aktres sa Facebook noong September 27, masayang-masaya ang kanyang mga anak na natapos na ang sigalot sa kanilang pamilya at nagkakaayos na sila.
Dumating na raw ang panahong ibaon sa limot ang nakaraan para sa ikasasaya ng lahat.
Sa dulo raw kasi ng usapin, pamilya pa rin sila.
Ipinagdasal daw niya ito at naibigay naman sa kanya ng Diyos.
Buong mensahe ni Sunshine, “Hey guys! Salamat sa napakagagandang comments nyo. I’ve read it and nakakatuwa na makita that you guys appreciate our (blended) family.
“Masayang masaya especially ang mga bata and their happiness is my happiness. Dumating na sa amin ang oras na kalimutan ang past, move forward and to have a better relationship.
“We are family afterall. Sabi ko nga ‘in God’s perfect time’. I prayed and I believed that this will eventually happen and it was given to me and my family. [praying hands, heart emojis]
“Sa mga pamilya na merong pinagdadaanan, remember time heals all wounds and darating din ang 'God’s perfect time' for all of you.
“Hindi pwedeng madaliin. Be patient and don’t get tired dahil ibibigay NYA yan sa inyo. It could take years but for sure maghihilom ang pain at sugat and everything will be ok soon!”
Read: Sunshine Cruz thanks everyone for appreciating her “blended” family: “Oras na kalimutan ang past.”
