Nakalabas na ng piitan ang TV host-comedian na si Vhong Navarro.
Ngayong Martes ng gabi, December 6, 2022, naglabas ang Taguig Regional Court Branch 69 ng order of release kay Vhong, na pansamantalang nakaditene sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.
Sa release order na pirmado ni Judge Loralie Cruz Datahan, nakasaad ditong nakapaglagak na ng isang milyon pisong (P1M) piyansa si Vhong kaya maaari na siyang palabasin ng kulungan.
Bahagi ng nakasaad sa release order na ipinadala sa jail warden: “You are hereby directed to release from custody accused FERDINAND “VHONG” HIPOLITO NAVARRO for having filed the necessary cash bond in the amount of ONE MILLION PESOS (Php1,000,000) under Official Receipt No. 9022573 dated 06 December 2022, which cash bond is APPROVED by this court for his provisional liberty.
“This order is for the above-entitled case only and insofar as there exists no order in any other case to effect that he remain confined under your custody.”
Mababasa rin dito ang mga petsa kung kailan ang susunod na pagdinig ng kaso ni Vhong.

Sinundo naman si Vhong ng asawang si Tanya Bautista sa Taguig City Jail.
Pahayag ni Tanya sa panayam ng ABS-CBN News, “Sobrang, sobrang happy. It’s going to be a blessed Christmas, di ba? A very good Christmas for the family.”
Dagdag niya tungkol sa pagpayag ng korteng makapagpiyansa si Vhong: “We were granted bail and we are so thankful.”
Ayon kay Niko Baua ng ABS-CBN News, nag-chant ang mga nakapiit sa Taguig City Jail ng pangalan ng actor-TV host nang palayain ito.
Post pa nito sa Twitter, "Vhong Navarro with his wife and lawyer before they left the Taguig City Jail. Vhong lost some weight during his incarceration. Inmates were chanting 'Vhong Navarro! Vhong Navarro! Vhong Navarro!, during his release."
Kaninang umaga ay pinayagan ng Taguig RTC Branch 69 ang petisyon ni Vhong para mabigyan ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang non-bailable rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya noong January 2014.
Read: RTC allows Vhong Navarro to post P1M bail for rape
Si Vhong ay nakapiit sa NBI facility September 19, 2022, at inilipat sa Taguig City Jail noong November 21, 2022.
Read: Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail
Magpapahinga raw muna ng ilang araw si Vhong bago bumalik sa It's Showtime.
Bago mag-alas sais nakaalis si Vhong sa kulungan.
