Nakakagulat na ngayon lamang pala magbibida si Jake Cuenca sa isang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF)—ito ay ang My Father, Myself.
Dati raw ay may mga MMFF entries na kasali si Jake, pero hindi siya ang lead star.
Sa kuwento ng aktor, nabanggit niya ang mga pelikulang pinagbidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.
“Ano naman, nung mga nakaraan, nakapag-MMFF ako with Bossing Vic [Mission Unstapabol: The Don Identity].
"With Coco , naging kontrabida din ako sa Ang Panday.
“First time kong mag-lead for Metro Manila Filmfest, and so totoo lang, ngayon pa lang proud ako.
"Sobrang napaka-proud ko na ito din yung pelikula na pinagbidahan ko for the first time [sa MMFF]. Proud ako kasi walang takot itong pelikulang ito, e.
"At the same time, I’m very much honored yung first movie ko na Metro Manila Filmfest, Direk Joel Lamangan pa, napakaganda nun for my CV, for my portfolio."
THE PHONE CALL FROM DIREK JOEL LAMANGAN
Pangatlong pelikula ni Jake ang My Father, Myself na si Direk Joel ang humawak, at um-oo raw agad siya pagkabasa ng script na sinulat ni Quinn Carillo.
Aniya, “Oo! Mabilis yung phone call, kasi nga talagang I really believe in destiny, e, I really believe that I was destined to do this.
"Tumatawag sa akin si Direk Joel, hindi normal sa akin ‘un, na may makita ako sa phone, may Joel Lamangan na tumatawag sa phone ko.
"Pagkasagot ko ng phone ko, five minutes talaga, sinabi sa akin ni Direk Joel yung challenges, kung ano yung kailangan kong gawin.
"Sinabi niya sa akin yung tema ng pelikula, then I said, ‘Yes, Direk, game na ko diyan!’ Wala pang script.
“Then nung nakita ko yung script, sobrang ganda nung script, at kaya naman yun din yung gusto kong klaruhin.
"Hindi po siya yung typical na pelikula pang-MMFF, di ba, yun naman po yun, pero ang totoo po niyan, kaya siya nakapasok sa MMFF, kasi napakaganda nung istorya.
"So sana po talaga sana makita ninyo, sana panoorin ng mga tao.”
KISSING SCENE WITH "BRAVE" CO-STAR
Si Sean de Guzman ang gaganap na lover ni Jake.
Pangalawang gay film na ito ni Jake pagkatapos ng Lihis (2013) kung saan sila ni Joem Bascon ang nagtambal.
Kumusta naman ang kissing scene nila ni Sean?
Lahad ni Jake. “Sabi ko nga nung press conference, sabi ko, sobrang seamless.
"Kasi nung first time kong gumawa ng ganyang klaseng pelikula, yung Lihis, kasama si Joem, marami pang takot, e, marami pang fear.
"Kasi siyempre never pa akong nakahalik ng lalake, first time yun. Ang daming first, so maraming takot papasok ng pelikulang iyon.
“E, ito, walang takot kong pinasukan, kumbaga na-match ko yung bravery ni Direk, napaka-brave nung material at kinailangan niya ng mga brave na artista.
"Masasabi ko na si Sean de Guzman ay napaka-brave na artista!
"Sabi ko nga, ako first project ko ay Click, di ba, youth-oriented show.
"Si Sean parang hinagis mo agad sa malalim na part ng swimming pool at sinabi mong lumangoy kahit hindi siya marunong. So I’m very much impressed by Sean.
"Magka-text nga kami nung isang araw, sabi ko sana sa madaling panahon magkatrabaho ulit kami.
"Sana mainstream naman para less challenging naman yung next project. Inaasam kong makatrabaho si Sean ulit."
BEYOND THE R-18 RATING OF MY FATHER, MYSELF
Hindi raw magsisisi ang mga manonood sa pelikula.
“Sabihin ko na ito, Direk, ha, R-18 kami so siyempre iba yung expectations namin for this.
"Pero confident kami na maganda ang pelikula namin at confident kami na pag napanood naman ng tao ito ay magugustuhan nila
"Kasi nakikita ko rin naman yung comments ng mga tao, siyempre marami ding pumupuri, marami din silang opinyon about it.
"Pero confident kami na pag napanood nila yung film or kung papanoorin nila yung film, kaya naming baguhin yung pag-iisip nila once they see it.
"So sana, sana please suportahan ninyo."
Sa loob ng mahigit 20 taon niya sa showbiz, masasabi niyang ito raw ang pinakahihintay niyang acting project.
Sa pagpapatuloy ng 34-year-old actor, "...to be honest, sabi ko bilang aktor, ganito yung project na hinahanap ko.
"Ganito yung project na gusto kong klaseng challenge para sa sarili ko, saksakan ng dami ng challenges.
"Ang daming kailangang gawin, and, at the same time, Direk Joel pa.
"This is the type of film that really wakes you up at five in the morning. Kailangan mong basahin yung script, kailangan mong i-rehearse on your own, at pagdating mo sa set ready ka na talaga.
"Iyon yung nangyari sa process namin and napaka-smooth kahit napakadaming challenges.”
Kasama nina Jake at Sean sa pelikula sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Allan Paulerin. Ang My Father, Myself ay sa ilalim ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network. Ipapalabas ito sa December 25, 2022.
