Panahon para sa pamilya ang pinagtutuunan ni Dina Bonnevie ngayong Kapaskuhan.
Sa katunayan, makikitang bigay na bigay ang award-winning actress sa partisipasyon niya sa Christmas party ng kanyang pamilya.
Ibinahagi ng anak niyang si Danica Sotto sa Instagram nitong Huwebes, December 15, ang ilang kuha sa family Christmas party nila.
Ipinost ni Danica ang video clip na nagpapakita ng highlights ng kanilang “simple Christmas party.”
Caption ni Danica (published as is), “Simple yet meaningful Christmas party with the Bonnevie clan.
“Missing my titas, grandma and other cousins who are abroad.
Dumalo rin sa party ang mga anak ni Danica, kapatid nitong si Oyo Sotto kasama ang asawang si Kristine Hermosa at mga anak nila.
Todo hataw naman si Dina kasama ang buntis na si Danica para sa isang bagong TikTok dance challenge.
Game ding sumalang ang aktres sa Pinoy Henyo game katambal ang mister niyang si DV Savellano.

DINA REMAINS MUM ON ALEX ISSUE
Sa kabilang banda, halatang mas pinipiling manahimik ni Dina sa latest issue na kinasasangkutan ng kanyang pangalan.
Kamakailan ay nabuhay ang isyu nila ni Alex Gonzaga matapos mag-vlog ni Alex ukol sa “artistang matanda” na pinagsisigawan siya sa pinagsamahan nilang TV project noon.
Walang binanggit na pangalan si Alex, pero tugma ito sa rebelasyon noon ni Dina ukol sa younger co-star na sinermunan niya dahil sa “diva attitude” nito.
Nagkatrabaho sina Dina at Alex sa 2011 TV5 series na P.S. I Love You.
Naging mainit na usapin ang isyu kamakailan at makikitang maraming netizens ang nag-iwan pa ng komento sa pinakahuling Instagram post ni Dina noong December 3.
Marami sa kanila ang naghihintay at hinihimok pang mag-react si Dina.
Samantala, walang ni isa sa mga ito ang sinagot ng batikang aktres.
Narito ang ilan sa comments ng netizens na nanghihimok kay Dina:

