Binanggit na ni Michelle Madrigal ang pangalan ng bago niyang boyfriend na si Kyle.
Pero hindi pa rin niya sinasabi ang apelyido nito sa kanyang bagong vlog, kung saan sinabi ng aktres kung paano sila nagkakilala, noong December 17, 2022.
Aniya, “We met through Hinge, so it's a dating app. Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. And nag-swipe siya at ako rin, and then we started chatting.”
Ang Hinge ay isang dating app ng mga nais magkaroon ng long-term relationship.
Isa raw sa traits na nagustuhan ni Michelle kay Kyle ang pagiging wholesome nito sa kanyang profile sa dating app.
Lahad niya, "Nandun yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko.
"You could really tell kung ano yung character ng lalaki the way they are sa kids nila.
"When I saw how he is around his kids — the way he talks to them, the way niyang i-treat sila — I was like, 'Oh my gosh, lagot.’”
Sa panayam ni Michelle sa PEP Spotlight noong November 2022, nauna nang sinabi ng aktres na nakilala niya ang bagong boyfriend sa pamamagitan ng dating app pero hindi nito sinabi kung anong app ito.
Saad niya, "Here, pag gumigimik ako, a lot of the guys are in their late 20s. Ayoko naman ng sobrang bata, ayoko rin naman ng sobrang older than me rin.
"I want someone na at least yung close to my age pero mature enough to be open sa concept na I'm a single mom.
"Siyempre some are interested. But when you're gonna date, especially kay Anika, di ko siya in-expose kahit kanino."
Hanggang sa nakilala raw ni Michelle sa dating app ang boyfriend niya na ngayon.
Naalangan pa si Michelle na "boyfriend" ang tawag sa kanyang special someone.
"Natatawa ako kasi high school ba ako? Parang pag nanay ka na, tapos in your 30s ka na, parang yung 'boyfriend,' nakakabagets ang feeling," sabi pa nito.
Hindi pa raw masabi ni Michelle na "love" ang nararamdaman niya para sa nobyo, dahil mas malalim na raw ang pakahulugan niya sa pag-ibig bilang dati na siyang may asawa.
Pero isang bagay na ikinatutuwa niya sa nobyo ay swak daw talaga sila.
"Okay na okay kasi he's also a dad, he has two kids, and he's also divorced. So, dun kami nagkaroon ng connnection.
"Before, I was dating someone for a few months, pero yung lifestyle lang namin wasn't the same."
Read: Michelle Madrigal reveals how she met new boyfriend in Texas
MICHELLE AND EX-HUSBAND TROY WOOLFOLK
Noong October 2020, biglang nag-viral sa social media ang totoong istorya kung paano nakilala ni Michelle ang American ex-husband niyang si Troy Woolfolk.
Ang nakapagtataka, ang kuwento ng kanilang totoong pagkakakilala ay mapapanood sa kanilang Q&A video, na ipinost sa YouTube noon poong 2019.
Sa isang bahagi ng video, inamin nina Michelle at Troy na nagkakilala sila sa Tinder, isang kilalang online dating app.
Sa kanilang 2019 video, ang unang tanong na sinagot ng dating mag-asawa ay kung paano sila nagkakilala.
Dito inilahad ni Michelle ang imbento nilang kuwento.
“The movie scenario was, Troy was running at the park with his dog, and basically I started talking to him; asked about his dog and I pet him, this and that.
“And then, he started the conversation and then from there, he got my number and went out on a date.”
Sambit naman ni Troy, “Lies! All lies!
"The real story. Tinder. Swipe, swipe. She gave me the star. I was the star of the day.”
Ang tinutukoy ni Troy ay ang activity sa Tinder: swipe right kapag interesado sa user at pagbibigay ng blue star kapag “super like.”
Sinegundahan ni Michelle ang pag-amin ni Troy.
“So, yeah, we met through Tinder, a dating app.
“So, we did start [on] weekend… Sunday, right? We swiped.
"And then we met up on a Wednesday, and then we went out again on a Saturday with his friends.
"And the rest is history.”
May 2017 nang ianunsiyo ni Michelle na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ni Troy. Na-engage sila noong July 2017.
Ikinasal sila ni Troy noong April 2019.
Nag-divorce sila noong November 2021.
Meron silang anak na babae, si Anika, 5.
Read: Michelle Madrigal hints at reason behind divorce; clarifies "no third party"
