PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu on fans’ concerns about “throne,” “billing” in ABS-CBN

Kim Chiu speaks up about her "throne" in ABS-CBN
by Bernie V. Franco
Published Dec 19, 2022
kim chiu abs cbn billing
Kim Chiu to fan who is hoping that her kindness won't be taken advantage of and that she be given due credit for being a loyal Kapamilya: "Lets see how far long I can... ..."
PHOTO/S: Twitter / ABS-CBN

May reaksiyon si Kim Chiu nang maglabas ng saloobin ang fans niya ukol sa kanyang “trono” sa ABS-CBN network.

Nagsimula ito nang mai-post sa Twitter ang ilang larawan at screenshots mula sa ABS-CBN Christmas Special 2022 na ipinalabas nitong weekend.

Sa mga kuha, si Kim ang nasa sentro ng pinagsama-samang Kapamilya actresses, na binubuo ng bago at kilalang leading ladies at female lead stars.

Kabilang sa mga nakapalibot kay Kim sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, Kathryn Bernard, Julia Montes, at marami pang iba.

Katabi rin ni Kim ang ABS-CBN bosses na sina Mark Lopez at Carlo Katigbak.

Nagdiwang ang fans ni Kim dahil ang “CENTER at FOCAL POINT” ng mga kuha ay ang kanilang idolo.

Indikasyon daw ito na binibigyan ng “karampatang importansiya" ng istasyon si Kim sa Christmas special.

Ni-retweet pa ng It's Showtime co-host ang komentong ito ng kanyang fan.

kim chiu billing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paglilinaw ng isa pang fan ni Kim: “We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi.”

Tila nais tukuyin ng fan ni Kim na pakiramdam nito ay may mga pagkakataong hindi nabigyan ng importansiya si Kim “knowing her contributions to the network."

Dagdag ng fan, “Homegrown pa yan ha. Kim Chiu wasn’t called the teleserye princess for nothing.”

“It is what it is,” reaction ni Kim, na ibig sabihin ay may mga bagay na kailangang tanggapin kahit na mahirap.

kim chiu billing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KIM CHIU REACTS TO BILLING issue

Nag-tweet ang isa pang supporter ni Kim at sinabihan nito ang isang Kapamilya TV production head writer.

Sabi ng fan, dapat ay maging fair ang head writer at “i-consider mo lahat ng factors bago ka mag decide sa billing such as popularity, bankability, achievement & years of service.”

Ayon naman kay Kim, hindi importante sa kanya ang billing at sapat na sa kanyang may trabaho siya.

Buong pahayag ni Kim (published as is), “I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF [talent fee] mo if ikaw yun una, huli or gitna.

“Bastat may trabaho ako okay na po ako dun.

“Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin.

“Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin. [praying hands and heart emojis] still #grateful”

kim chiu billing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-react ang isa pang fan ni Kim kasunod ng paliwanag ng Kapamilya actress.

Sabi nito, sana ay “di abusuhin ng mga tao ang kagandahan ng iyong puso.

“Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam naming ang TUNAY MONG TRONO [crown emoji]. Sana lang MAS PAHALAGAHAN ka pa nila.”

Ni-retweet ito ni Kim at sinagot ng ganito: “Lets see how far long I can… …”

kim chiu billing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kasunod na reaction ang isa pang supporter ni Kim na sinabing “tumayo at nanindigan” si Kim nang tanggalan ng franchise ang network, habang “Yung iba dyan, Wala nmang pinuhunan pero ang special”

Maging ito ay ni-retweet ni Kim.

kim chiu billing

Si Kim ay homegrown talent ng ABS-CBN. Siya ang Big Winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang naging tiket niya para pasukin ang showbiz at eventually ay naging isa sa A-listers ng Kapamilya Network.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu to fan who is hoping that her kindness won't be taken advantage of and that she be given due credit for being a loyal Kapamilya: "Lets see how far long I can... ..."
PHOTO/S: Twitter / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results