PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos, Sam Verzosa follow each other again on Instagram

All’s well that ends well between Rhian Ramos and boyfriend Sam Verzosa.
by Arniel C. Serato
Published Dec 29, 2022
Rhian Ramos, Sam Verzosa follow each other again on Instagram
Actress Rhian Ramos and boyfriend Sam Verzosa followed each other again on Instagram amid speculations of netizens about relationship problems between the couple.
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa on Instagram

Nagkakamabutihan na bang muli ang magkarelasyong Rhian Ramos at Sam Verzosa?

Makalipas kasi ang dalawang araw, muli silang nag-follow sa isa’t isa sa Instagram.

Rhian Ramos, Sam Verzosa follow each other again on Instagram

Rhian Ramos, Sam Verzosa follow each other again on Instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang noong December 27, 2022, napuna ng mapanuring mata ng netizens na parehong hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Read: Rhian Ramos, Sam Verzosa unfollow each other on Instagram

Pero, hindi pa naman sila nagbubura ng kanilang mga larawang magkasama sa Instagram noong araw na iyon.

Noong July 30, 2022 lamang isinapubliko ni Rhian ang pagmamahalan nila ni Sam.

Si Sam ay isang kilalang negosyante at co-founder ng beauty brand at marketing enterprise na FrontRow.

Eksklusibong inamin ni Rhian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig City, ang relasyon nila ni Sam, na isa ring party-list representative.

Sabi pa ng Kapuso actress, hindi niya masasabing bago pa lang ang relasyon nila ni Sam pero baka sabihin ng publiko na bago lamang ito dahil noon lang sila nakitang magkasama.

Kinikilig pang pag-amin ni Rhian, "Actually, I wouldn't call it new. New in public maybe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumang-ayon din ang aktres na first appearance nila bilang couple ang pagdalo sa media-covered gala night ng GMA-7.

Read: Rhian Ramos makes relationship with Sam Verzosa public

Sa kabilang banda, sa isang exclusive interview ng PEP.ph sa negosyante noong October 9, 2022, sinabi ni Sam na give and take ang relasyon nila ni Rhian.

“Lagi naman po dapat sa isang relasyon, tulungan,” saad pa niya.

Paglalarawan ni Sam sa relasyon nila ni Rhian, “Pag kailangan ko po siya, dito siya sa amin. At pag kailangan niya, nandun din ako sa kanya, lalo na sa pagtulong sa mga kababayan natin.

“Sino bang ayaw makatulong? Sino bang ayaw makabago ng buhay? We bring out the best in each other. Masaya kami at masaya kaming nakakatulong sa iba.”

Read: Entrepreneur Sam Verzosa on Rhian Ramos: "We bring out the best in each other."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Rhian Ramos and boyfriend Sam Verzosa followed each other again on Instagram amid speculations of netizens about relationship problems between the couple.
PHOTO/S: Courtesy: @samverzosa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results