PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista, Chiz Escudero together on New Year's Eve

Heart finally ends breakup rumor between her and Chiz.
by Rachelle Siazon
Published Dec 31, 2022
Heart Evangelista and Chiz Escudero welcome 2023 together
Kapuso actress Heart Evangelista finally ends breakup rumor between her and Senator Chiz Escudero as they welcome 2023 together.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Ito na ba ang sagot ni Heart Evangelista, 37, sa balitang hiwalay na sila ni Senator Chiz Escudero, 53?

Bago magtapos ang taong 2022, isinapubliko ni Heart ang pagdiriwang nila ni Chiz ng New Year's Eve sa pamamagitan ng kanilang picture na magka-holding hands.

Base sa isa pang litrato ng couple ay makikitang nasa bahay sila kasama ng twins ng senador na sina Quino at Chelsea.

Pasado alas nuwebe ng gabi, Disyembre 31, 2022, ipinost ni Heart ang litrato.

Sabi niya sa caption kalakip ng party, heart, at red envelope emojis, "Happy 2023."

Heart Evangelista and Chiz Escudero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tikom-bibig pa rin si Heart sa isyung dumaan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila ni Chiz, na sinasabing umabot sa hiwalayan base sa mga ulat noong Setyembre 2022.

Kung ano man iyon, pinili ni Heart na salubungin ang Bagong Taon sa piling ng mister.

Una nang ipinahiwatig ni Heart na sila pa rin ni Chiz nang mag-post siya ng "see you soon" message para sa asawa habang siya ay nasa Paris noong Pasko.

Iyon ang unang pagkakataon na nagbigay siya ng mensahe para sa mister sa loob ng humigit-kumulang apat na buwan na pananahimik niya tungkol dito.

Sinabi rin ni Heart sa parehong Instagram post na siya ay "living between 2 worlds Paris and Manila" dala ng kanyang mga commitments sa fashion world at show business.

READ: Heart Evangelista posts message for husband Chiz Escudero; netizens react, "Pinagalaw na ang baso!"

HEART-CHIZ REPORTED MARITAL PROBLEM

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang napabalitang may problema ang mag-asawa mula nang tanggalin ni Heart ang apelyidong "Escudero" sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung dati ay nakalagay doon ang buong pangalan niyang Love Marie Ongpauco Escudero, naging "Love Marie" o "Love Marie Evangelista" na lamang ito.

Napansin iyon ng netizens noon pang August 8, 2022.

Bago iyon, noong July 31, 2022, namataan pang magkasama sina Heart at Chiz sa red carpet ng GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri-La BGC, Taguig City.

Lalong naging palaisipan ang estado ng relasyon ng couple nang maglabas si Heart ng vlog noong September 2, 2022 kunsaan binanggit niya ang pinagdadaanang "personal stuff."

Mula noon ay hinintay ng netizens, pati na rin ng media, ang opisyal na pahayag ni Heart kung may katotohanan ang bali-balita tungkol sa kanila ni Chiz.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 8, 2022, naglabas ng pahayag ang GMA Network na nagpapatigil sa kumalat na impormasyon noon na kinukumpirma ng network ang hiwalayan nina Heart at Chiz. Hands-off ang network sa isyu ng couple.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ina ni Heart na si Cecile Ongpauco ay nahingan din ng opinyon ukol sa isyu nang makapanayam ng ABS-CBN News noon ding araw na iyon.

Sinabi ni Cecile na wala siyang alam sa isyu, at ayaw niyang makialam sa pribadong buhay ng mag-asawa.

Pero nananalig noon si Cecile na kung anuman ang pinagdadaanan nina Heart at Chiz ay malalampasan nila iyon.

Samantala, marami ang nagpaabot ng good wishes sa ngayong nakitang magkasama na ulit ang couple.

Kung anuman ang paliwanag sa mga buwang tahimik sila sa isyung hiwalay sila ay wala pang opisyal na pahayag sina Heart at Chiz.

MORE RELATED STORIES:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Heart Evangelista finally ends breakup rumor between her and Senator Chiz Escudero as they welcome 2023 together.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results