PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Belle Mariano spotted at Donny Pangilinan's New Year family reunion

It seems that Belle was Donny's plus one!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 3, 2023
Belle Mariano, Donny Pangilinan
Kapamilya actress Belle Mariano (rightmost) welcomes year 2023 with onscreen partner Donny Pangilinan (third to the rightmost) as she joins Donny's family reunion.
PHOTO/S: Gab Valenciano Instagram

Muling naghatid ng kilig ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano a.k.a DonBelle sa kanilang fans.

Ito'y matapos maispatan na kasamang dumalo si Belle sa family reunion ng kanyang onscreen partner na si Donny.

Palaisipan tuloy sa kanilang mga tagahanga na baka nga totoong magkarelasyon na ang dalawa.

Read: "Taken na si Donny" trends on Twitter after Julia Barreto's "revelation"

Sa Instagram post ni Gab Valenciano, pinsang buo ni Donny, nitong January 2, 2023, makikita ang kanilang masayang family picture kasama si Belle.

Mababasang caption ni Gab (published as is), "Starting the year right with my favorite people [heart emoji].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gab ay anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, kapatid naman ng tatay ni Donny na si Anthony Pangilinan.

Makikita rin sa larawan na present ang mga magulang ni Donny na si Marixel Laxa-Pangilinan at Anthony, mga kapatid nitong sina Benjamin, Ella, at Hannah.

Bukod dito, kasama rin ang kanyang mga pinsan na sina Kiara Valenciano, Gab Pangilinan at fiancée nitong si Myke Salomon, at tiyuhin na si Gary.

DONBELLE FANS REACT

Hindi napigilang matuwa at kiligin ng DonBelle fans sa litratong in-upload ni Gab.

Sa comment section ng post ng singer-music producer ay bumuhos ang komento ng mga tagahanga ng dalawa.

Gulat na natutuwang komento ng isang netizen, "Oh my God, Belle is really part of the family now. Ahhhhhh!!!!! Belinda Pangilinan is not a joke anymore."

Comment pa ng isa, "Omygosh soon to be Pangilinan na talaga is Belle [crying emoji].

Nagawa pang humiling ng isa sa kanilang fans, "Buong year sila magkasama ang counting pa [pray emoji]. She's really part of the family na. Sana sila na talaga forever, please Lord."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa ng isa, "Pangilinan na si Belle [crying emoji]."

Hamon pa ng isa sa kanilang fans, "Aantayin ko na lang talagang umamin sila kahit obvious naman na."

"HE'S SO SPECIAL TO ME"

Kung pagbabasehan lamang ang sweetness at closeness nina Donny at Belle, marami ang maghihinalang may espesyal na talagang namamagitan sa kanilang dalawa.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Belle sa Awit Awards 2022 noong November 23, 2022, kung saan dito at inamin niyang espesyal si Donny para sa kanya.

Tinanong kasi ang An Inconvenient Love lead star kung ano talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Donny.

Sagot ni Belle: “Basta kayo na ang mag-isip ng kung ano ang gusto niyong isipin.

"I am very happy that he is part of my life, of course. I'm very grateful for it."

Dagdag pa niya, "He's so special to me."

Read: DonBelle movie na An Inconvenient Love, naka-P4M sa first day?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Belle, maraming magagandang katangian si Donny na nagustuhan niya.

Pagbabahagi ng young actress, "He's a man of integrity, that's one aspect that I like that he holds.

"He's gentleman, someone very passionate.

"There's a lot of good things I can name and I don't think this video is enough to name them all."

Read: Belle Mariano reveals what she feels about Donny Pangilinan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Belle Mariano (rightmost) welcomes year 2023 with onscreen partner Donny Pangilinan (third to the rightmost) as she joins Donny's family reunion.
PHOTO/S: Gab Valenciano Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results