Spotted muling magkasama ang rumored couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Sa Facebook page ng isang restaurant sa La Union kahapon, January 2, 2023, nakuhanan ng litrato si Carlo kasama si Charlie at ilang kaibigan.
Caption ng post, “CARLO AQUINO is in the house! it’s nice to see you again! [smiling face emoji]”
Bago magtapos ang 2022, naugnay si Carlo sa kapwa Kapamilya star na si Charlie.
Ito ay matapos mag-post ni Charlie noong December 29, 2022 ng sweet photo nila ni Carlo, kasama ang ilang non-showbiz friends ng aktres na nagdaos ng isang holiday dinner.
Nabigyang-kulay iyon dahil magkadikit ang dalawa at magkaangkla ang mga kamay kaya panay ang tanong ng netizens kung sila na ba.
View this post on Instagram
Magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na Love on Budget na ipalalabas ngayong 2023.
Read: Is Charlie Dizon in relationship with Carlo Aquino?
Samantala, tila may patama naman kay Carlo ang ex-partner na si Trina Candaza sa New Year’s post nito noong January 1, 2023.
Sa kanyang Instagram post, inalala ni Trina ang aniya'y pang-iiwan sa ere sa kanya ng lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya.
Hindi man pinangalanan ni Trina, malinaw na si Carlo ang tinutukoy niya base sa kanyang mga salita.
Sina Trina at Carlo ay may two-year-old daughter na si Enola Mithi.
Saad ni Trina, "Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all.
"We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.
"But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life."
Read: Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post
