May relasyon ba ang MMFF 2020 Best Actress na si Charlie Dizon sa award-winning actor na si Carlo Aquino?
Ito ang duda ng maraming followers ni Charlie dahil sa in-upload niyang dinner pictures nila ng mga kaibigan sa showbiz, kabilang na si Belle Mariano.
Makikita sa mga larawan na magkatabi sina Charlie at Carlo.
Naka-dekuwatro si Charlie habang ang kamay ng aktor ay nakahawak sa kanyang hita.
Medyo nakahawak naman si Charlie sa braso ni Carlo.
Sabi ng Kapamilya actress sa caption, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother [heart emoji]”
View this post on Instagram
Tula may pahiwatig namang may alam ang singer-TV host na si Jolina Magdangal sa kanyang komento.
Sabi niya, “Ayun na!!! [smiling emojis]”
Smiling face with heart-shaped eyes emojis naman ang komento ni Dimples Romana.
Sabi naman ni Belle, “Love youuu!!! [heart, face throwing a kiss emojis]”

Pati ang netizens ay nagulat din sa ka-sweet-an nina Charlie at Carlo sa larawan:


Magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na Love on a Budget na ipapalabas sa 2023.
Samantala, unang bahagi ng taong 2022 ay nakumpirmang naghiwalay na si Carlo at ang dating partner nitong si Trina Candaza.
Mayroon silang isang anak, ang two-year-old na si Mithi.
Read: Trina Candaza moves out of Carlo Aquino's home; brings daughter with her
