Mas lalong lumilinaw ngayon na mayroon ngang pinagdadaanang problema ang relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Ilang oras matapos pag-usapan sa social media ang sweet na larawan ng aktor kasama ang non-showbiz girl at isa umanong TikTok influencer na si Mary Joy Santiago, in-edit ng aktor ang original caption ng Instagram post niya noong December 22, 2022.
Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?
Sa naunang caption sa larawan nila ng anak na si Felize, ang maikling mensahe lang ni McCoy ay “Lagi mong tatandaan na mahal kita”
Ngayong Miyerkules, January 4, 2023, dinagdagan na ito ni McCoy ng mas mahabang mensahe.
Ayon sa aktor, si Felize lamang ang lahat-lahat para sa kanya.
Ngunit hindi raw niya alam paano makakausap ang anak kaya idinaan na lamang niya ito sa Instagram.
Sana rin daw paglaki ng anak ay hindi magbabago ang tingin nito sa kanya.
Huwag na rin daw pansinin nito ang mga sasabihin ng mga tao.
Buong mensahe ni McCoy, “Lagi mong tatandaan na mahal kita
“IKAW lang ang nakaka alam
“IKAW lang ang makakaintindi sa akin
“IKAW lang ang maasahan ko
“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay
“IKAW lang ang lahat lahat ko
"Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo.
“Dont worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy...Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh.
“Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na...anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra...*hug na mahigpit*”
View this post on Instagram
Kahapon, January 3, naging usap-usapan ang balitang on the rocks ang relasyon nina McCoy at Elisse matapos mag-viral sa TikTok ang larawan ni McCoy kasama ang isang non-showbiz girl.

