Nagdadalamhati pa rin si Ice Seguerra sa pagkamatay ng kanyang asong si Choppy na biktima ng hit-and-run incident noong December 14, 2022.
Ipinahayag ng singer ang pangungulila sa pagkawala ng alaga sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 30, 2022.
"I miss him every day. Dun mo rin pala malalaman, it doesn't matter kung gaano katagal. If sasabihin mo yung tagal, he was with me for few months last January, he passed away December 14, wala pang one year.
"Siguro what we have shared, yung happiness na ibinigay niya sa akin and the manner that he was killled, medyo traumatizing siya," balik-tanaw ni Ice.
Ibinahagi rin ni Ice kung paano nangyari ang insidente na kumitil sa buhay ng kanyang alagang aso at kung paano niya nalaman ang tungkol dito.
"Ang nangyari lang nun, nasa loob sila ng gate, may papasok lang na motor, bigla siyang lumusot, so nasagasaan.
"Imadyinin mo, I was in Canada so twelve midnight yun, parang katatapos lang ng presscon namin nun.
"Pagtingin ko sa phone ko, naka-silent kasi ako, ang daming missed calls. Bakit ang daming missed calls? Tumawag ako, pagtawag ko, si Jenny umiiyak, 'Kuya Ice, si Choppy...' Sabi ko, 'Ano nangyari kay Choppy?'
"Nasagasaan daw. Sabi ko, 'Bakit di dalhin sa vet?' Di na raw kaya. Sabi ko, 'Anong di na kaya?' 'Bumagsak na yung ulo, tapos puro dugo na.'
"My god! Talagang first time ko na-experience ng ganung surge ng emotions. Alam ko kalmado akong tao... Even my wife [Liza Diño] told me it was the first time to see me na parang gusto kong sumabog.
"Siguro two days akong hindi mo makausap, ang hirap kasi I was there for work, kasama ako sa presentation ng Star Magic. Kailangan kong mag-perform kahit ang bigat-bigat ng puso ko."
Ayon sa singer, napakasakit sa kanya yung ideya na wala nang Choppy na maghihintay sa kanya pag-uwi.
Para maibsan ang kalungkutan, nagpa-send pa raw si Ice sa kasama niya sa bahay sa Pinas ng mga litrato ni Choppy.
Kuwento ni Ice: "Sabi ni Jen, parang malungkot nga raw, nami-miss na ako. Alam ko, excited akong umuwi kasi alam ko pag-uwi ko nandun siya, tapos di mo na siya makikita kahit kailan.
"Di ko man lang nayakap one last time. Kasi di puwede na di ko siya ipa-cremate, e, kasi basag, e.
"'Tapos, naalala ko nung pauwi na ako ng Philippines, kasi from Canada to Hong Kong, Hong Kong to Manila, alam mo yung papalapit ka nang papalapit sa Pilipinas, lalo kang naiiyak.
"Tapos dine-dread mo talaga, tapos nung nakita ko na siya, dini-deliver na yung ashes niya.
"Kahit ngayon na nasa bahay ako, kaya sanay yan na nakasiksik sa akin, nami-miss mo yung init. Pag magbabanyo ako, kahit tulog yan, tatayo siya, susundan ako.
"Sasabihin ko, 'Matulog ka na lang, mabilis lang naman ako.' Hindi, uupo lang siya, titingin sa iyo.
"I miss that so much, sobrang miss na miss ko."
HOW ICE MANAGES DEPRESSION BOUTS
Naging bukas noon si Ice na ilang taon na siyang dumadanas ng depression, at na-trigger iyon noong kasagsagan ng pandemya dahil sa kakulangan ng trabaho.
Kinumusta ng awtor na ito si Ice at kung paano niya hina-handle ang kondisyon lalo't namatayan siya ng alaga.
Read: Liza Diño on Ice Seguerra's depression: "Tulog siya twenty hours araw-araw."
Sabi ni Ice: "You know, ang napansin ko, given what happened to Choppy 'no, mas kaya kong i-process ang emotions ko ngayon.
"Normally, if I was in a dark space, it will happen in weeks. Napansin ko, pag mas nagiging vocal ka, mas nailalabas mo siya, mas nakakatulong din sa iyo para mas mag-balance ka.
"I could say I'm adjusting well, but then again, as always, I accepted that you enjoy while it's there, while you're feeling all these things.
"Sabi ko nga, more than anything, I'm just happy I'm feeling things. Before talaga, nothing, I'm devoid emotionally."
ON BEING BACK TO WORK
Nakatulong ba ang trabaho para mas maging balanse siya?
Sagot ni Ice, "Trabaho, yes, nakatulong siya nang malaki because, for me, yung work hindi lang siya means for livelihood.
"Work for me, as I started very young, I started at three, sobrang parte na siya ng buhay ko kaya malaking bagay na nakabalik na ako.
"Kasi, of course, bilang padre de pamilya, I'm also a provider. Happy ako that I willl be able to do that for my family.
- McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
- Heart Evangelista posts photo with husband Chiz Escudero on New Year's Eve
- Trina Candaza takes a swipe at Carlo Aquino on yearender post
- Lee Jong Suk opens up about how friendship with IU turned into romance
- Ai-Ai delas Alas recalls away-bati moments with ex-husband Miguel Vera
