Matapos ang ilang linggong pananahimik, binasag na ng race car driver na si Daniel Miranda ang kanyang katahimikan ukol sa bulung-bulungang hiwalayan na umano sila ng partner na si Sofia Andres.
Sa kanyang Instagram Story ngayong gabi ng Huwebes, January 5, 2023, nagbahagi si Daniel ng larawan ni Sofia at ng anak nilang si Zoe Natalia.
Sabi niya, sa hirap at ginhawa, mahal niya ang kanyang mag-ina.
Buong caption ni Daniel: “Through thick and thin, I love you both very much [red hearts emojis]”

Ito na kaya ang sagot niya sa mga haka-hakang on the rocks ang pagsasama nila ng Kapamilya actress?
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens na walang Christmas photo na magkasama ang magkasintahan.
Hiwalay ang kanilang Christmas photo kasama ng kanilang anak na inilabas ni Daniel noong December 24 at at ni Sofia noong 25, 2022.
Read: ON THE ROCKS? Sofia Andres unfollows, then follows again Daniel Miranda on Instagram
Kahit nitong pagsalubong ng Bagong Taon ay magkahiwalay na nagdiwang ang dalawa.
Read: Sofia Andres celebrates holiday anew without boyfriend Daniel Miranda
Mas lalo pang umingay ang diumano’y sigalot ng kanilang relasyon nang biglang i-unfollow ni Sofia si Daniel sa Instagram.
Napansin din ito kaagad ng followers kaya naman muling nag-follow si Sofia kay Daniel makalipas lamang ang ilang oras.
Wala pang post si Sofia tungkol sa update ni Daniel tungkol sa kanilang relasyon.
