Matapos nilang mag-follow muli sa kani-kanilang Instagram accounts noong September 27, 2022, tila nag-unfollow na muli sina Kobe Paras at Erika Poturnak sa isa’t isa.
Si Kobe ay anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.
Si Erika ay anak naman ni Ina Raymundo at mister nitong si Brian Poturnak.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak follow each other again on Instagram
Hindi malinaw kung kailan nila muling in-unfollow ang isa’t isa.


Wala na ring trace sa naging relasyon nila dahil burado na lahat ng kanilang pictures na magkasama sa kani-kanilang accounts.
September 26, 2022 nang una nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak unfollow each other on Instagram
Ito ay sa kabila na noong September 19, sa ika-25 kaarawan ni Kobe, masaya pang ibinahagi ni Erika ang sweet photos nila ng rumored boyfriend na magkasama sa West Hollywood, California.
Noong panahong yun, hindi pa rin nila nasabi kung may pinagdaanan ang kanilang samahan, relasyon, o kung paano nila ito bibigyan ng label.
Una silang namataang magkasama sa isang beach trip noong June 15, 2022.
Read: Ina Raymundo’s daughter Erika Rae Poturnak spotted with Kobe Paras
June 28 naman sila spotted na magkasama sa Bali, Indonesia.
Read: Kobe Paras, Erika Poturnak get cozy in Bali "with love"
