PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2022 bloopers, trending reactions of netizens

Natapilok si Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu sa kanyang final walk
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 15, 2023
Miss Universe 2022 highlights
Miss Curacao surprised to enter top 5 (right), Miss USA R' Bonney Gabriel reactions on her Miss Universe 2022 title (upper center), Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu epic "tapilok" moment (lower center), and Miss Kosovo reaction after Miss USA won (left), are just some of the bloopers from the Miss Universe 2022 coronation night.
PHOTO/S: Miss Universe

Ang Filipino-American fashion designer na si R' Bonney Gabriel ng USA ang hinirang na Miss Universe 2022.

Ginanap ang grand coronation ng 71st edition ng Miss Universe sa New Orleans Morial Convention Center sa Louisiana, United States nitong Sabado, January 14, 2023 (January 15, 2023, ng umaga sa Pilipinas) kung saan nagtunggali ang walampung (80) kandidata mula sa iba't ibang bansa.

Read: Filipino-American R'Bonney Gabriel of USA wins Miss Universe 2022

Bukod sa naggagandahang kandidata suot ang kani-kanilang evening gowns at swimsuit, agaw pansin din ang coronation night bloopers na nakunan mismo ng kamera.

MISS CURACAO SURPRISED TO ENTER TOP 5

Halos hindi makapaniwala si Miss Curaçao Gabriëla Dos Santos na nakapasok siya sa Top 5.

Read: Full transcript of Miss Universe 2022 Top 5 Q&A portion

Nang binanggit kasi ang kanyang pangalan ay hindi agad nag sink-in sa kanya na siya ang tinawag ng main host na si Jeannie Mai Jenkins.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa live video, makikitang todo palakpak pa si Gabriela at ilang segundong umiling-iling at tumingin sa kanyang likuran para siguraduhing siya nga ang tinawag.

Agad naman siyang tinanguan si Miss India Divita Rai na nasa kanyang likuran, hudyat ng kanyang pagpunta sa harapan.

Miss Universe 2022 highlight

REIGNING MISS UNIVERSE 2021 HARNAAZ KAUR SANDHU EPIC "TAPILOK" MOMENT ON HER LAST WALK

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging emusyonal si Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu ng India sa kanyang final walk.

Habang pine-play ang kanyang recorded audio message ay sinabayan niya ito ng kanyang final walk.

Habang naglalakad na naluluha papunta sa harapan ay biglang natapilok si Harnaaz na siyang dahilan para maalarma at kabahan ang mga manonood.

Kabilang na sa mga nagulat ay ang main host na sina Olivia Culpo at Jeannie Mai Jenkins.

Miss Universe 2022 highlight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MISS UNIVERSE USA R' BONNEY GABRIEL REACTIONS ON HER MISS UNIVERSE 2022 TITLE

Sa ginanap na dalawang set ng question and answer portion, pinatunayan ni Miss USA R'Bonney na siya ang karapat-dapat na tanghalin bilang Miss Universe 2022.

Matapos tawagin ni Miss Dominican Republic Andreína Martinez na second runner-up, agad pinapunta sina R'Bonney at Miss Venezuela Amanda Dudamel sa gitna para sa announcement ng Miss Universe 2022 title.

Read: The winning answer of Miss U.S.A. at Miss Universe 2022 Final Q&A

Magkahawak kamay pa ang dalawa habang inaanusyo ang bagong tatanghaling Miss Universe.

Miss Universe 2022 highlight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit imbes na magulat ay tila na mental block si Miss USA nang i-announce na siya ang nagwaging Miss Universe 2022.

Saka lang nito napagtanto na siya ang nanalo nang isabit sa kanya ang sash ng Miss Universe 2022 at iabot ang bouquet of flowers.

Miss Universe 2022 highlight

OLIVIA CULPO HAPPILY HUGS MISS USA AND FORGETS HER SPIEL

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakas sa mukha ng host na si Olivia Culpo ang kanyang saya nang muling maiuwi ng USA ang Miss Universe title.

Si Olivia ang huling Miss Universe titleholder ng USA noong 2012.

Dahil sa excitement at saya ay nakalimutan na ni Olivia ang kanyang final spiel. Imbes kasi na bagong Miss Universe ang kanyang sabihin ay Miss USA ang kanyang nabanggit.

Saad niya sa kanyang spiel, "Thank you to all the delegants, thank you to all the committee, and of course thank you to our new Miss USA... Miss Universe."

Agad naman niya itong tinama matapos mapansin na mali ang kanyang sinabi.

Miss Universe 2022 highlight Olivia Culpo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPOTTED REACTION OF OTHER CANDIDATES AFTER MISS USA WON

Bukod sa mga fans, spotted din ang nakakatawang reaksiyon ng mga kandidata sa Miss Universe matapos ianunsyo kung sino ang nagwagi at mag-uuwi ng korono.

Isa na rito ang reaksiyon ni Miss Kosovo na ngayon ay trending na sa social media. Ayon kasi sa mapanuring netizens, tila hindi raw masaya si Miss Kosovo nang ianunsyo na si Miss USA ang tinanghal na Miss Universe 2022.

Kabaliktaran ito sa katabi niyang todo hiyaw at palapak. Biro tuloy ng mga netizens, na baka ito raw ang "bestfriend" ni Miss USA kaya't ganon na lamang siya kasaya.

Miss Universe 2022 highlight

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Ikinagulat ng maraming Pinoy pageant fans ang hindi pagpasok ni Celeste Cortesi sa Top 16 ng Miss Universe 2022 pageant.

Read: Celeste Cortesi fails to land Miss Universe 2022 Top 16 spot

Ito ang kauna-unahang beses sa loob ng labindalawang taon na hindi nakasali sa semi-finals ng Miss Universe ang Pilipinas.

Malaking tanong at palaisipan tuloy sa mga netizens kung bakit ito nangyari lalo na't isa si Celeste sa mga kandidatang maituturing daw na malakas ang laban.

Read: Pagkalaglag ni Celeste Cortesi sa Top 16 ng Miss Universe 2022, isinisi ng Pinoy pageant fans sa gown at Darna costume

Sa Twitter, trending ang pangalan ni Celeste. Marami sa mga Pinoy ang nagpaabot ng pagsaludo at pagbati sa husay na ipinamalas ng Filipino-Italian beauty queen.

Miss Universe 2022 highlights

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng isang netizen (published as is), "I hope Celeste will not only be remembered as the rep who ended the winning streak of PH in #MissUniverse. She is more than that. She is empowered, intelligent, beautiful and powerful. The Philippines is behind you Celeste Cortesi!"

Sabi pa ng isa, "Still proud and happy for the 12 consecutive years for the Philippines! South East Asia's powerhouse! Don't send hate to the girls please. Thank you Celeste Cortesi for raising the flag yet again."

Saad pa ng isang fans, "Celeste Cortesi, know that we aren't disappointed but extremely proud. I believe that you're one of the strongest candidates of the Philippines. winning the crown is great but winning our hearts is what really matters most. Such an authentic muph!"

Samantala, may ibang netizens namang na naghanap sa dating Miss Universe host na si Steve Harvey.

Ayon kasi sa ilang Pinoy fans, baka raw kaya hindi nakasama ang Pilipinas dahil wala ang lucky charm nitong host na si Steve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng isang netizen, "Steve Harvey is a lucky charm of the Philippines in Miss Universe. BRING BACK STEVE HARVEY!!"

Biro pa ng isa, "WHERE IS STEVE HARVEY’S “I HAVE TO APOLOGIZE” WHEN WE NEED IT THE MOST [cry emojis]. COME OUT WITH THAT RESULT CARD, STEVE. PLS."

CELEBRITIES REACT

Ilan din sa mga kilalang personalidad ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon sa Miss Universe 2022 results.

Tweet ni Janine Gutierrez, "As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s events."

Banat ni Vice Ganda, "Bawi tayo sa replay mamayang gabi! Hayuffff!"

Sabi ni Kim Chiu, "Congrats celeste!!!!! Ang ganda ng nilaban mo for Philippines! Laos neighbor ilaban mo nalang kami and ACHI Canada ilaban mo kami bilang malapit na ang Chinese new year."

Read: Celebrities react to Celeste Cortesi's non-placement at Miss Universe 2022 Top 16

Maging ang backstage commentator na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay tila nagulat sa hindi pagpasok ni Celeste at ng iba pang kinatawan ng bansa na expected ng marami na makakapasok sa Top 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Catriona matapos ianunsyo ang Top 16, "Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia—I know you might be feeling a little bit of disappointment right now but we always have next year."

Miss Universe 2022 highlight Catriona Gray

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Curacao surprised to enter top 5 (right), Miss USA R' Bonney Gabriel reactions on her Miss Universe 2022 title (upper center), Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu epic "tapilok" moment (lower center), and Miss Kosovo reaction after Miss USA won (left), are just some of the bloopers from the Miss Universe 2022 coronation night.
PHOTO/S: Miss Universe
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results