Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko ang tila pagkadismaya ni Deniece Cornejo sa pagbabalik-trabaho ni Vhong Navarro sa It’s Showtime noong Lunes, January 16, 2023.
Read: Vhong Navarro makes emotional return to It's Showtime
Napansin nila ang paggamit ni Deniece ng cryptic hashtag na "#rhymeswithwrong," na pinaniwalaang may kaugnayan sa pagbabalik ni Vhong sa Kapamilya noontime show.
Tila patama niya ito sa pangalan ni “Vhong” na katunog ng salitang “wrong.”
Read: Deniece Cornejo throws shade at Vhong Navarro’s return to It’s Showtime
Sa pamamagitan ng Facebook messaging, ilang beses nagtangka ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng paliwanag si Deniece ukol sa kanyang post.
Pero ilang beses itong tumanggi. Pinagbawalan daw kasi siya ng kanyang mga abogado.
Hanggang bigla na lamang siyang nagpadala ng matalinhagang mensahe sa awtor na ito kagabi, January 18, 2023.
Nakasaad dito na kung ang maraming biktima ay hindi makatayo sa kanilang sarili, dapat daw ipaalam ng mundo na hindi sila nag-iisa.
Dagdag pa rito, ang bawat rebelasyon ay may kaakibat na responsiblidad.
Buong mensahe ni Deniece: “If other many victims cannot stand for themselves then the world should know that they are not alone. With Revelation comes Responsibility.”
Gumamit din siya ng hashtags na “#Rhymeswithwrong, #justbeginning, #Godwillinvestigate.”
Hindi malinaw kung sariling akda ni Deniece ang ipinadala niyang mensahe, ngunit malinaw na may kinalaman ito sa kanyang saloobin sa paglayang muli ni Vhong at pagbabalik-telebisyon nito.
Apat na buwang hindi nasilayan ng It’s Showtime viewers si Vhong dahil nakapiit ito sa kulungan bunsod ng mga kasong acts of lasciviousness at rape na isinampa ni Deniece laban dito.
Inilaban ng mga abugado ni Vhong ang karapatan nitong makapagpiyansa kahit non-bailable ang kasong rape na kanyang kinahaharap.
Pinagbigyan naman siya ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Court Branch 69 at pinahintulutang pansamantalang makalaya sa halagang P1 million.
Read: RTC allows Vhong Navarro to post P1M bail for rape
Noong December 6, 2022, naglabas ang Taguig RTC-Branch 69 ng order of release kay Vhong, na pansamantalang nakaditene noon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Male Dormitory sa Taguig City.
Kaagad ding naglagak ng piyansa si Vhong at nakalabas kinagabihan.
