GORGY RULA
Pagkatapos napabalita ang hiwalayang Elisse Joson at McCoy de Leon, tila nagkainteres ang ilang kalalakihang pormahan ang aktres.
Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
May nagkuwento sa aming lalo raw na-attract ang ibang boys sa tipo ni Elisse na single mom pero napapanatili ang kaseksihan at lalo pang gumaganda.
May isang kaibigan ng PEP Troika ang nakipag-usap sa amin kung puwede raw ipakilala namin si Elisse sa kaibigan niyang influential at madatung na pulitiko.
Gusto lang naman daw nitong makilala ang aktres. Pero duda naming type ni politician si Elisse.
Hindi namin katsikahan o close si Elisse kaya wala kaming naitulong.
Handa na kayang pumasok sa panibagong relasyon si Elisse?
Sa mga huling post ni Elisse sa kanyang Instagram account, kapansin-pansing lalo siyang gumaganda at sumeseksi.
Pinutakti ito ng comments mula sa netizens na pinupuri ang aktres.
Sa kabilang banda, matinding alipusta ang inabot ni McCoy mula sa netizens na obvious na fans ni Elisse. Sinayang lang daw ng aktor ang kagaya ng aktres na lalo pang gumaganda.
Pati ang babaeng nali-link ngayon kay McCoy na si Mary Joy Santiago ay hindi rin nakaligtas sa panlalait ng fans.
NOEL FERRER
Talaga? Hindi ako makapaniwala.
Sana naman, hindi sa politikong may sabit — at yun namang puwedeng maipagmalaki si Elisse.
I kennat! Parang hindi ako makapaniwala. Nakakaloka ito kung totoo, ha!?
JERRY OLEA
Oktubre 2021 inamin nina McCoy at Elisse na meron na silang supling.
Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl
Marso 2022, may mahiwagang socmed posts ang McLisse na ang pahiwatig ay nagkakalabuan sila. Pero paandar lang pala iyon para sa isang produktong ineendorso nila.
Kaso, mapagbiro ang tadhana. Natuluyan ang kanilang paghihiwalay. May epekto ba iyon sa produktong inendorso nila?
Naku! Huwag sana munang mag-entertain ng manunuyo si Elisse, lalo na kung may asawa na ito. Makabubuting mag-focus muna si Elisse sa pag-aalaga sa kanyang panganay.
