Muling umiral ang pagiging pilyo ni Luis Manzano dahil binuweltahan na naman niya ang isang netizen na tila nagmamaktol sa kanila ng asawang si Jessy Mendiola.
Parang inip na ang nasabing netizen dahil halos isang buwan na mula nang isilang ni Jessy ang panganay nila ni Luis na si Isabella Rose Tawile Manzano noong December 28, 2022, pero patuloy pa ring ikinukubli ng celebrity couple sa publiko ang hitsura nito.
Sa post ni Luis sa Facebook kahapon, January 25, 2023, ipinagmalaki niya ang high-tech drier nila umano sa bahay.
Pero isa lamang itong round plastic hanger.
Caption niya, "Di naman sa pang aano… high tech and sosyal kami sa bahay"
Kinaaliwan ng maraming netizens ang kanyang post, pero may tila bad trip na isang netizen sa kanila.
Komento ng nasabing netizen ngayong araw, January 26, “ewan ko sa inyo, masyado kayong ewan. ayaw nya pa ipakita ung baby nyo.”
Panunuyang sagot ni Luis: “kayo po ba magpapadede?”

Noong January 11, 2023, binuweltahan din ni Luis ang isang basher na tumawag sa kanyang anak na “pisot” dahil ayaw nilang ipakita ang mukha nito.
Read: Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby
At noong January 12, niresbakan din ni Luis ang isa pang netizen na nagtanong kung bakit ayaw ipakita agad ang mukha ng bata. Hindi naman daw nanakawin ang kanilang anak.
Ikinumpara pa nito sina Luis at Jessy sa celebrity couple ding sina Drew Arellano at Iya Villania, na "walang arte" sa pagre-reveal ng mukha ng kanilang baby.
Read: ROUND 2: Luis Manzano burns basher for comparing him and Jessy Mendiola to “walang arte” couple
Isinilang ni Jessy ang unang supling nila ni Luis noong December 29, 2022.
Pero nitong January 7, 2023 lamang nila ipinaalam sa publiko na sila ay ganap nang mga magulang.
Read: Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
