Mukhang may sagot si Winwyn Marquez sa tuwirang pag-amin ni Alden Richards ukol sa hindi natuloy na relasyon nila noong 2019.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, January 25, 2023, inamin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden na trabaho ang dahilan kaya naudlot ang sana'y pagkakamabutihan nila ng itinanghal na Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn.
Read: Alden Richards-Winwyn Marquez rumored romance noong 2019, napatunayang totoo pala
Sa kanyang Twitter account kahapon, January 26, isang matalinhagang mensahe ang ibinahagi ni Winwyn sa kanyang followers.
Sabi ng actress-beauty queen, sa huli ay tatlong bagay lamang ang mahalaga: kung gaano ka nagmahal, kung paano ka nabuhay nang matiwasay, at kung paano mo pinakawalan ang mga bagay na hindi para sa iyo.
Buong mensahe niya, "In the end, only three things matter: how much you loved, how gently you lived, and how gracefully you let go of things not meant for you.” [heart emoji]”
Noong April 26, 2019, inulat ng Cabinet Files dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa kapansin-pansing closeness nina Alden at Winwyn.
Nakunan ang dalawa ng litrato na magkasama sa blessing ng McDonald’s branch sa Biñan City na pag-aari ng aktor.
Read: Alden Richards at Winwyn Marquez, kapansin-pansin ang closeness
Noong panahong iyon, hindi pa raw handa si Winwyn na pumasok sa bagong relasyon dahil kahihiwalay pa lamang nila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.
Ito ay ayon sa isang saksi na nagparating sa Cabinet Files ng impormasyon tungkol sa special friendship nina Winwyn at Alden.
Read: Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras
Pinagtawanan lamang ni Winwyn ang report ng PEP.ph noong April 2019 na nagkakamabutihan sila ni Alden.
Ayon pa sa kanya, baka binigyan lamang ng ibang kulay ang madalas na pagtatabi nila nang magbukas ang negosyo ng aktor sa Biñan City.
Sa panayam ng PEP.ph kay Winwyn noong May 16, 2019, diretsahang sinabi ng former beauty queen na magkaibigan lang sila ni Alden.
Saad pa nito, “Lahat naman yata nali-link kay Alden. Matagal na kaming magkaibigan ni Alden at alam naman ng lahat na mabait si Alden. Sweet sa lahat. Natawa lang talaga ako.
“My gosh, isa na rin ako sa na-link kay Alden. Nakakatawa! Parang, bakit? Nabigyan lang talaga nila ng malisya."
Read: Winwyn Marquez laughs off reports linking her to Alden Richards
