PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis Confirms Yen Santos Romance

Paolo clarifies "as a friend" Baguio getaway with Yen.
by Erwin Santiago
Published Jan 30, 2023
paolo contis yen santos relationship
Paolo Contis on relationship with girlfriend Yen Santos: "Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede iplit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram / GMA Network

Sa wakas ay inamin na ni Paolo Contis na girlfriend niya si Yen Santos. Pero itinanggi ng Kapuso actor na si Yen ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ng dating live-in partner niyang si LJ Reyes.

Sa ikalawang yugto ng panayam ni Paolo sa Fast Talk With Boy Abunda na ipinalabas ngayong Lunes ng hapon, January 30, 2023, ay kinumpirma ng aktor ang matagal nang espekulasyon sa tunay na estado ng relasyon nila ni Yen.

Tanong ng host na si Boy Abunsa: "Si Yen Santos ba ay girlfriend mo na? Oo o hindi?"

"As a friend?" natatawang pagbibiro muna ni Paolo.

Pero pag-amin din niya kalaunan: "Yes."

Kasunod nito ay naghayag ng saloobin si Paolo sa pananaw ng publiko sa relasyon nila ni Yen.

Saad niya, "Sa amin kasi, kumbaga, what you see is what you get na naman, di ba?

"Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede ipilit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."

Read: Paolo Contis on estranged daughters: "My biggest fear… is for them to actually hate me."

YEN WAS NOT THE CAUSE OF PAOL-LJ BREAKUP?

Nauna rito ay mariing itinanggi ni Paolo na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes pagkatapos ng ilang taong pagsasama.

Read: LJ Reyes alludes to money issue, third party in breakup with Paolo Contis

"Hindi. Hindi," diin ni Paolo.

Sinubukang ipaliwanag ni Paolo kung ano ang dahilan ng pagatatapos ng relasyon nila ni LJ.

Lahad niya, "Somehow medyo matagal na kaming hindi kami okay ni LJ, pero we were together, of course. Napapadalas ang away and everything.

"I think it's a combination na ng stress sa pandemic and eveything, no.

"One of my biggest mistakes was hindi ko inalala yung mental health ni LJ. Isa yan sa feeling ko simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko, 'eeeh...' alam mo yun? 'Four times a day tayong kumain, chill ka diyan.' Alam mo yung ganun?

"Plus, again, yung pagdidiskarte ko ng sarili ko, na hindi ko na ini-inform sa kanyang yung mga bagay-bagay, which led to bigger problems. So, I won't divulge na sa isyu na yon, pero eventually, it piled up. Again, hindi kami nag-uusap nang maayos.

"Plus, yun na nga, every time ako nakakalabas ng bahay dahil pandemic, may work... may kalaokohan din akong ginagawa."

Hindi idinetalye ni Paolo kung ano ang mga "kalokokahan" na ginawa niya.

Pero itinanggi niyang nagkakamabutihan na sila ni Yen noong panahong iyon.

Nilinaw rin ng Kapuso actor ang "as a friend" na sagot niya noon tungkol sa mga kumalat na larawan nila ni Yen na kuha sa Baguio.

Read: "As a friend?" Netizens react to Paolo Contis inviting Yen Santos to Baguio

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Paolo, "Well, yung 'as a friend,' nung nag-Baguio kami ni Yen, nasa States na sila LJ nun.

"Nagmukhang baligtad because your [Boy's] interview with LJ came out, pero wala na kami sa Baguio nun. So, ang feeling ng tao, habang ini-interview si LJ, nasa Baguio ako.

"Pero when you were interviewing LJ, mga one or at least ten days na silang nasa States, I left for Baguio nasa States na sila. Hindi na kami nun."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on relationship with girlfriend Yen Santos: "Hindi na namin puwedeng ipilit yung tao to be happy for us. Hindi namin puwede iplit yung mga tao na paniwalaan yung gusto nilang paniwalaan. Sana isipin lang nila na kung ano lang yung nakikita nila na naka-post, yun lang yung truth na alam nila."
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results