PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on Lee O’Brian: 'Forget Him'

"Hindi ako iniwan bwahahhaaahaaa tanungin mo sya bakit ko sya pinalayas!!!!!"
by Arniel C. Serato
Published Jan 31, 2023
Pokwang discloses all details about separation from Lee O'Brian
Comedienne-TV host Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon kona pala sya palamunin at limang taon walang child support!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Pokwang at mukhang ibinuhos na nito ang lahat ng sama ng loob laban sa dating kinakasamang si Lee O’Brian.

Malaking aspeto nito ang kawalan ng hanapbuhay ni Lee, na nagtulak kay Pokwang upang kumayod para sa kanilang pamilya.

May five-year-old daughter sina Pokwang at Lee, si Malia O'Brian.

Sa Instagram nitong nakaraang Linggo, January 29, 2023, nag-upload ang komedyana ng kanyang video habang naliligo sa swimming pool ng bahay niya sa Camaya Coast sa Bataan.

Mukhang niraraket na rin ni Pokwang ang pagbebenta ng property sa nasabing lugar.

Buong caption niya,:“I’m your new agent! real estate agent hahahhahaa pm is the key kung gusto mo mag invest ng property sa Camaya coast your morena agent is here and always ready to assist you [laughing emoji]”

Isang netizen ang nagkomento rito. Ayon dito, matabil daw ang bibig ng TiktoClock host kaya ito iniwan ni Lee.

Sabi ng netizen,Talakira kasi kaya iniwanan [laughing emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pokwang reveals details of breakup with Lee O'Brian

Hindi na nakapagpigil ng emosyon si Pokwang, at ibinuhos ang sama ng loob sa American actor na naging co-star niya sa 2014 movie na Edsa Woolworth.

Ayon kay Pokwang, anim na taon na niyang iginagapang ang kanyang pamilya at limang taon na walang child support si Lee sa anak nilang si Malia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taliwas ito sa dating isinasagot ni Pokwang sa mga haka-haka ng netizens na palamunin niya si Lee.

Read: Pokwang defends ex-partner Lee O’Brian from "palamunin" accusation: “Masipag po yung tao.”

May pahiwatig pa ang Kapuso star na baka umabot sa korte ang usapin ng sustento kaya binalaan niya ang netizen na huwag makialam.

Buwelta ni Pokwang (published as is): “tanga nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon kona pala sya palamunin at limang taon walang child support! wag kana baka madamay ka sa demandahan namin hahahhahaa”

Pokwang reveals details of breakup with Lee O'Brian

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin ni Pokwang na hindi siya ang iniwan, kundi siya ang nagpalayas sa ex-partner.

Aniya, “and fyi hindi ako iniwan bwahahhaaahaaa tanungin mo sya bakit ko sya pinalayas!!!!! tanungin mo now na! dalahirang marites BOBA naman!!!”

Pokwang reveals details of breakup with Lee O'Brian

Sa huli, sinabi ni Pokwang sa basher na nasaktan ang anak nilang si Malia dahil tuluyan nang nawasak ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “super tanggol ka type mo ba sya? hahahahhaa dika papatulan nyan kung waley ka pakinabang!!! or kaibigan mo yung babaeng involve? pakisabi congrats nagtagumpay sya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli!”

Pokwang reveals details of breakup with Lee O'Brian

Nitong mga nakalipas na araw, isiniwalat ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Biro pa niya, sana ay hindi "chaka" o mas pangit sa kanya ang ipinalit ng dating boyfriend.

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne-TV host Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon kona pala sya palamunin at limang taon walang child support!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results