PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang to bashers: Hypocrites, Die in Envy

Pokwang: "Sorry pero manhid na ako sa mga bashers nayan."
by Arniel C. Serato
Published Feb 1, 2023
Pokwang tells bashers "MAMATAY SILA SA INGGIT!!!!!”
Pokwang to bashers after making public some details of her separation with Lee O'Brian: “Mga hypocrite! bakit daw kailangan pa i socmed ang problema? diba yan ang gusto nyo mga MARITES??? na entertain naba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!”
PHOTO/S: Courtesy" @niceprintphoto on Instagram

Manhid at wala nang pakialam si Pokwang sa kanyang haters at bashers online.

Sa kanyang Instagram kagabi, January 31, 2023, may nagtanong na netizen kay Pokwang kung paano maka-move on dahil nasasaktan na raw ito.

Buong komento ng netizen, “Mamang paano po ba maka move on nang mabilis. Ang sakit² na po mang [crying emoji] parang ayoko nang lumaban [crying emoji]”

Tumugon dito ang Kapuso TV host-comedienne.

Ayon kay Pokwang, kung alam ng netizen ang kanyang mga karapatan, kaya niya itong ilaban.

Napagdiskitahan din ni Pokwang ang bashers niya sa kanyang sagot.

Marami raw siyang blessings kaya mamatay ang mga ito sa inggit.

Sabi niya, “kapag alam mo ang karapatan mo at karapatan ng anak mo kung may anak ka ilaban at lalakas ang loob mo harapin sila hahahhahahaa sorry pero manhid na ako sa mga bashers nayan ang dami kong work sobra kaya MAMATAY SILA SA INGGIT!!!!!”

Pokwang on bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa kanya namang Instagram Story, ipinagtaka raw ni Pokwang kung bakit marami ang nagagalit sa kanya kung isinapubliko niya sa pamamagitan ng social media ang naging problema nila ng dating kinakasamang si Lee O’Brian.

Pinagbiyan na raw kasi niya ang mga “Marites” pero hinuhusgahan pa rin siya.

Buong komento ni Pokwang (published as is): “Mga hypocrite! bakit daw kailangan pa i socmed ang problema? diba yan ang gusto nyo mga MARITES??? na entertain naba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!”

Pokwang on bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong mga nakalipas na araw, paunti-unti nang naglalabas ng mga detalye si Pokwang tungkol sa pagsasama nila ni Lee na nauwi sa hiwalayan.

Isiniwalat din ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Biro pa niya, sana ay hindi "chaka" o mas pangit sa kanya ang ipinalit ng dating boyfriend.

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

Sa isa pang komento niya sa Instagram, inilaglag ni Pokwang si Lee: "manggagamit" umano ito at kung walang pera ang isang babae ay "t*e" ka sa kanya.

Bukod pa rito, wala rin daw itong ibinibigay na suporta sa kanilang anak na si Malia O'Brian sa loob ng limang taon.

Buong komento ni Pokwang (published as is), "true akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw _____sa post nya stalker ka manggagamit yang taong yan hahhahahaha wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pokwang tells on ex-partner Lee O'Brian not giving child support: “5years!!!!”

At nitong nakaraang January 29, tuluyan nang pinakawalan ni Pokwang ang kanyang kinikimkim na galit laban sa dating kinakasama.

Anim na taong daw niya itong “palamunin” sa kanilang bahay taliwas sa nauna niyang sinabi noon na wala itong katotohanan.

Sinabi rin niyang pinalayas niya ito at hindi siya iniwan.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang to bashers after making public some details of her separation with Lee O'Brian: “Mga hypocrite! bakit daw kailangan pa i socmed ang problema? diba yan ang gusto nyo mga MARITES??? na entertain naba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!”
PHOTO/S: Courtesy" @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results