Inamin ni Joaquin Domagoso na nakaramdam siya ng pag-aalangan sa co-stars niya sa Ako Si Ninoy nang lumabas ang balitang kasama ang ama niyang si Isko Moreno sa cast pelikulang Martry or Murderer.
Parehong tinatalakay ng dalawang pelikula ang panahon ng pagpaslang kay dating Senator Ninoy Aquino, asawa ni dating Pangulong Cory Aquino at ama nina ex-President Noynoy Aquino at ng TV host-actress na si Kris Aquino, na naging mitsa sa maksaysayang People Power Revolution noong 1986.
Ang Ako Si Ninoy ay nakasentro mismo kay Ninoy at sa mga Pilipinong namulat at nakipaglaban dahil sa kanyang pagkamatay.
Ang kuwento naman ng Martyr or Murderer ay naka-focus sa pamilya Marcos at kung paano nila hinarap ang pagiging suspek sa pagpaslang kay Ninoy.
Gumaganap bilang estudyante si Joaquin bilang Vince sa musical film na Ako Si Ninoy.
Ang ama naman niyang si Isko ay gumaganap bilang Ninoy Aquino sa Martyr Or Murderer ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap. Prequel ito sa Maid In Malacañang.
Lahad ni Joaquin, "Pumasok na lang ako next day sa shooting. I didn't know what to say to anybody here on set.
"News came out that my dad was in the other movie, na kay Darryl pala siya. I don't know what to say."
Kinausap daw si Joaquin ng direktor ng Ako Si Ninoy na si Vince Tañada para i-assure na wala siyang dapat ipag-alala.
"Pero good thing na lang, Direk broke the ice and then we talked about it.
"Sabi niya, 'Anak... You know I love you, alam mo naman yun. I respect your dad so much, ang dami niyang pinupuri sa akin...'
"Ayun, na-okay din ang puso ko."
Inalala raw kasi ni Joaquin ang mararamdaman ng co-stars mula sa Philippine Stagers Foundation (PSF), ang theater company na pinamumunuan ni Vince.
"When I first came to set that time, bothered na bothered ako because I just came to work and I was, like, baka magalit sa akin ang mga tao.
"Yung PSF people here, they're beyond not just caring but they're also hardworking. I really hope to make a good shot with them," sabi niya.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joaquin sa presscon ng Ako Si Ninoy, na ginanap sa PSF Black Theater, noong January 22, 2023.
Ang singer na si JK Labajo ang gumaganap na Ninoy, at kapareha naman dito ni Joaquin si Cassy Legaspi kung saan gumaganap sila bilang mga estudyante.
- The star-studded baptism party of Angelica Panganiban's daughter Amila Sabine
- Superstar at National Artist Nora Aunor: “Pulubi pa rin ako hanggang ngayon!”
- Nerikka Escario, nabulag pero naipasa ang board exam; nag-mental solving sa math problems
ON JOAQUIN BEING PITTED AGAINST HIS DAD
Inaasahan na ni Joaquin ang posibilidad na intrigahin sila ng amang si Isko, lalo na sa tema ng kani-kanilang pelikula na parehong may kinalaman kay Ninoy Aquino.
Si Ninoy ay isang statesman na nakulong ng pitong taon at pitong buwan (September 1972-May 1980) noong panahon ng Batas Militar, sa ilalim ng administrasyon ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Noong August 1983, matapos ang tatlong taong self-exile sa U.S., umuwi sa Pilipinas si Ninoy. Siya ay pinaslang sa pamamagitan ng pamamaril sa tarmac ng Manila International Airport (now named Ninoy International Airport) noong August 21, 1983.
"Feeling ko nga pagtatapatin kami ng mga tao, ramdam ko na," sabi ni Joaquin.
Dugtong niya, "I won't say na kinuha ang dad ko dahil paglalabanin pero, you know, some people like controversies talaga.
"That's why I wanna tell you now na ako na nauna talaga dito, nauna talaga ako dito at sumunod na lang ang desisyon ni D [Darryl] para kunin ang papa ko."
Ano ang sabi ni Isko tungkol sa mga pelikula nilang posibleng magbanggaan?
Sagot ni Joaquin: "Actually, we didn't really talk about it, we never talk about it. He never even told me na he's about to accept it or he's talking about somebody.
"From what I know, iba ang nagpadala sa kanya. Hindi namin talaga pinag-usapan kasi I feel it's with papa."
Diin ni Joaquin, nauna siya mapabilang sa cast ng isang biopic tungkol kay Ninoy.
"He knows that I was on this movie. I told him about it as soon as I got it. I told my parents na part ako sa next movie ni Direk Vince.
"Wala lang title that time, pero alam nila about Ninoy lang, [na] it's [a] musical.
"Then months later, lumabas na yung news, nagsu-shoot na kami dito."
FORMER MAYOR ISKO ON VLOGGING AND OTHER YOUTUBE CHANNELS
Kinumusta rin namin kay Joaquin ang kalagayan ng ama ngayong hindi na ito ang alkalde ng Maynila at di pinalad manalo sa nakaraang presidential elections.
Busy raw ang dating Manila mayor sa pagbuo ng YouTube channels, kabilang ang personal vlog nito na Iskovery Night.
Ayon kay Joaquin, "Ang papa ko happy na happy na ngayon kasi he got a lot of projects. He's happy sa mga ginagawa niya talaga which is Iskovery Night.
"We opened up two channels, too. But it's not Papa [who is hosting those channels] but in a sense that he is working on it."
Mukhang nae-enjoy raw ng ama ang on-and-offcam work para sa binuksang channels.
"Nandun siya, nagtatrabaho siya. Every day he's in a meeting, talking about future prospects.
"Yesterday [he was] with [a] sports team owner so they can get us, our company, to cover their channel. Ganun kasimpleng meeting."
