PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janella Salvador on Co-parenting with Markus

Janella Salvador explains tweet about tinapang bangus gift from fan.
by Rose Garcia
Published Feb 4, 2023
janella salvador markus paterson son
Janella Salvador on relationship with ex-boyfriend Markus Paterson: “Okay naman, we’re co-parenting nang maayos. Okay naman, wala namang problema.”
PHOTO/S: @superjanella on Instagram

May katagang “motherhood becomes you.”

Sa isang tulad ni Janella Salvador na isang first time at young mother, masasabing niyayakap na talaga niya ang pagiging ina sa two-year-old na si Jude Trevor.

Si Jude ay anak ng Kapamilya actress sa dating boyfriend na si Markus Paterson.

Read: Janella Salvador thoroughly single mom: "Kaya kong gawin...talagang nilalaban ko yun."

“It’s the best experience of my life so far,” nakangiting sabi ni Janella.

“Happy ako, it’s nice to see... I have my two years old now and it’s nice to see that he’s growing to be the person that he’s turning out to be.”

Naitanong din kay Janella kung pinapapanood niya sa anak ang Mars Ravelo's Darna, kung saan gumaganap siya bilang Valentina/Regina.

“Actually, kapag nanonood kami during dinner time, nandun siya, kumakain siya. Pero deadma lang… hindi niya pinapansin!” natawang sabi niya.

“Hindi niya siguro nakikilala sa TV. Pero kapag Regina ang lumalabas, sasabihin niya, 'Mama!'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Janella sa mediacon para sa Mars Ravelo’s Darna finale sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN noong January 30, 2023.

CO-PARENTING

Nagkahiwalay man sila ng ama ng kanyang anak na si Markus, masasabi raw ni Janella na maayos ang relasyon nila bilang mga magulang ni Jude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay naman, we’re co-parenting nang maayos. Okay naman, wala namang problema,” saad niya.

Nagkikita rin daw sila dahil sa kanilang anak.

Paniniguro ni Janella, “Okay kami. We have a system naman. He borrows Jude when he’s free but he stays with me talaga.”

Positibo naman ang sagot ng aktres nang tanungin ng PEP.ph kung handa siya sa bagong relasyon.

“I guess, yeah,” maikling sagot niya.

TINAPANG BANGUS

Ipinaliwanag din ni Janella ang post niya sa Twitter kung saan ibinahagi niya ang larawan ng tinapang bangus na natanggap niyang regalo mula sa isang fan.

Nalilito niyang caption: "Hi vadengs thank you for the gifts ha but i think I need an explanation for this one

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga naaliw sa post niyang ito at meron din nagsabi na gusto rin nilang makatanggap ng regalong tinapa.

May nag-isip ding baka hindi na-appreciate ni Janella ang ibinigay sa kanya.

Ayon kay Janella, “Nakakatawa lang siya, sobrang favorite ko yung tinapa.

"Pero nakakatawa lang siya kasi nagbubukas ako ng regalo, first time kong ma-experience. Inaantok pa ako nito kasi, galing akong mall show.

“Pagbukas ko, kasi maganda ang pagkaka-wrap, hindi ko in-expect. Pero favorite ko naman ang tinapa.”

Isang fan daw niya mula sa Bataan ang nagpadala sa kanya ng tinapang bangus. Kilala ang Bataan sa masasarap na tinapang isda.

Sabi pa rin ni Janella, “Taga-Bataan kasi, specialty pala nila yon kaya iyon ang binigay niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador on relationship with ex-boyfriend Markus Paterson: “Okay naman, we’re co-parenting nang maayos. Okay naman, wala namang problema.”
PHOTO/S: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results