Pagkatapos ng matagumpay nilang pagtatambal sa ABS-CBN primetime series na The Killer Bride noong 2019, muling nagkasama sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa Mars Ravelo's Darna.
Pero sa pagkakataong ito ay hindi sila ang magkatambal: si Janella ang gumaganap na main kontrabida na si Valentina at si Joshua naman ang leading man ng gumaganap na Darna na si Jane de Leon.
Read: Joshua Garcia posts reunion photo with Janella Salvador on the set of Darna
Ayon kay Janella, okay sa kanya kung sakaling magkasama at maging magkapareha sila ni Joshua pagkatapos ng Darna.
“Open naman ako,” sabi niya.
“Sabi ko naman dati, ayoko lang na ma-lock ako ulit sa isang love team. Pero, open ako to working with him again.”
Dati na silang malapit na magkaibigan ni Joshua, may mga bago pa ba siyang nadiskubre rito habang ginagawa nila ang Darna?
Saad ni Janella, “Parang steady lang kami ngayong Darna. Wala namang masyadong bago, pero kumbaga, thankful ako na we were comfortable with each other simula pa lang.
“Kaya yung mga mahihirap na eksena, nagawa namin nang maayos.”
Hindi rin daw sila nagkailangan sa ginawa nilang kissing scene.
“Hindi naman siya awkward. Pero buti na lang din, napag-usapan namin yon and he’s someone that I know. So, hindi siya naging awkward actually,” sabi ng aktres.
FROM BIDA TO KONTRABIDA
Mula sa pagiging bida sa mga nagawa niyang teleserye, bago para kay Janella ang pagiging kontrabida sa Darna. Pero naging daan daw ito para mas maging open siya ngayon sa iba pang mga karakter.
“I think I’m ready naman to take on different roles,” aniya.
Hindi ba niya nililimitahan ang sarili ngayong isa na siyang ina?
“Like sa role? Feeling ko nga, mas matapang ako ngayon after becoming a mom. Tumatanggap na ng ibang roles.
"I mean, why not? Wala naman akong itinatago ngayon.
“It’s just me, who I am,” pahayag ni Janella.
Dagdag niya, “Pipiliin ko pa rin siyempre yung mga roles. Hindi naman puwedeng basta-basta lang na tatanggap na lang ako nang tatanggap. It really depends on how it’s portrayed. May redemption or properly portrayed.
“Gusto ko siyempre na maging proud din sa akin ang anak ko. Kahit na daring siya, gusto kong ma-appreciate niya yung craft.”
Paano siya nabago, personal o propesyunal man, ng ginampanan niyang karakter bilang si Valentina at Regina sa Darna?
Read: Janella Salvador steals limelight with Valentina look
“Paano ako nabago? Well, this is actually my first role after motherhood. And, hindi ko alam if this is because of motherhood or because the role is so well-written.
"Tulad nga ng sabi ko, I really grew as an actress and mas may confident ako ngayon to take different roles.
“Mas minahal ko ang craft ko dahil sa roles na to. Excited akong gumawa ng iba’t iba pang klase na matsa-challenge ako.”
Pagpapatuloy ni Janella, “As a woman, I think, this role changed me in terms of confidence talaga.
"Totoo to… na-inspire talaga ako sa character ko, kay Regina. I really look up to her. I wanna be like her. I really wanna fight for what is right.
“I want to have a voice and be a voice of the generation.”
