PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana on Marriage Regrets

Carla Abellana confirms she saw red flags in her relationship but ignored them.
by Bernie V. Franco
Published Feb 4, 2023
carla abellana
Carla Abellana initially failed in the lie-detector test when asked if she regretted getting married. “Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit papano yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)

Nasabak si Carla Abellana sa isang lie-detector test at natanong ng ilang beses ukol sa breakup nila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

Maraming personal na tanong ang ibinato sa Kapuso actress at kabilang na rito ang failed marriage nila ni Tom.

Ikinasal sina Carla at Tom noong October 23, 2021, subalit napabalita ang kanilang paghihiwalay pagsapit ng January 2022 — tatlong buwan lamang pagkatapos nilang ikasal.

Sumalang si Carla sa lie-detector test challenge para sa February 4, 2023 vlog ng kapwa aktres na si Bea Alonzo.

Habang patagal nang patagal ang test ay mas nagiging personal ang mga tanong kay Carla.

Sa isang punto ng interview, inusisa ni Bea si Carla kung nakakita ba siya ng red flags sa relasyon na hindi niya pinansin.

"Yes" ang sagot ni Carla, at umamin ding nagsisisi siyang ipinagwalang-bahala niya ang red flags na iyon.

“I am honest enough to say I have regrets,” sundot ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

carla abellana lie detector test

Lesson learned daw para kay Carla na huwag balewalain ang mga senyales o red flags.

“Kailangan iano mo na siya. Hindi mo na puwedeng i-ignore. They’re called red flags for a reason,” sabi niya.

Pinagsisisihan ba niyang naikasal?

Bumuwelo muna si Carla: “Lagi kong nire-ready yung sarili ko sa question na yan, na wala pa namang nagtatanong. Tapos di ko pa rin alam kung anong isasagot ko.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumagot muna si Carla ng “No,” hindi siya nagsisisi na ikinasal.

Pero “lie” ang resulta ng lie-detector machine.

Humingi ng pagkakataon si Carla na ipaliwanag ang kanyang sagot.

Umamin si Carla na sumagot siya ng "No" dahil marami siyang naging konsiderasyon bago sumagot.

Paliwanag ng aktres, “Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit papano yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin.

“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat kasi part yan ng plan ni God.’

“But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat yon [considerations], yes, talagang magsisisi ako… nagsisisi ako!" sagot ng natatawang si Carla.

Kabig pa niya, “Kasi, honestly, talagang hindi ko pa alam, ano ba ako? Yes or no?”

Pero sumang-ayon siya sa paliwanag ni Bea na, “The rational self will justify.”

Kaya final answer ni Carla, “That’s why, yes yung truth [ko].”

NOT GETTING BACK WITH TOM

Nagsasabi naman ng totoo si Carla nang kumpirmahin niyang wala siyang pagsisisi kung paano niya hinarap ang breakup nila ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsahang tinanong si Carla kung nagkita at nagkausap na silang muli ni Tom matapos nilang maghiwalay.

“No, we never spoke,” sagot ni Carla.

“Plus, not long after [the breakup] din kasi, umalis siya. He’s actually currently in the U.S. since then.

“Yun na yung last time namin actually nagkita,” sabi ng aktres patukoy sa desisyon nila ni Tom na maghiwalay na.

Sinabi rin ni Carla na bukas siya sa posibilidad na magkausap sila ng estranged husband.

“Ever, oo naman. But anytime soon, no,” aniya, at idinagdag na iisa lamang ang kinabibilangan nilang industriya.

Hindi definite ang sagot ni Carla nang tanungin siya kung bukas siyang makatrabaho muli si Tom.

Sabi ni Carla, “Ayoko sana, but then honestly, paano pag biglang sinabi, di ba, ng GMA?

“But personally, ayoko pero… really, I don’t want to work [with him].”

Umaasa naman si Carla na muli siyang magmamahal sa hinaharap, pero wala pa ngayon ito sa kanyang isip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana initially failed in the lie-detector test when asked if she regretted getting married. “Gusto kong sabihing ‘No,’ kasi kahit papano yun bang kung paano tayo pinalaki sa kultura natin."
PHOTO/S: YouTube (Bea Alonzo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results