Pasok ang kapatid ni Maja Salvador na si Jessilen "Jessie" Salvador bilang official candidate ng Binibining Pilipinas 2023.
Nangyari ang announcement ng official candidates ng national pageant nitong Lunes, February 6, 2023.
Ipinost ng Binibining Pilipinas ang mga pangalan ng Top 40 official candidates sa social media accounts nito.
Nakapasok din sa official Top 40 candidates si Reign Parani, dating Pinoy Big Brother teen housemate at segment host ngayon sa PIE Channel, at si Kiara Gregorio, TFC host at first runner-up sa Miss Philippines Earth 2016.
Sunud-sunod ang Instagram Stories ni Jessilen ng mga bumati sa kanya sa pagiging official candidate niya.
“New journey awaits…” post ni Jessilen sa Instagram kamakailan kaugnay ng pag-venture niya sa pageantry.
Sa isang recent vlog interview, sinabi ni Jessilen na nagdesisyon siyang subukan ang pageantry sa paghimok ng kanyang mga kaibigan at kapamilya, kabilang na ang ate niyang si Maja.
“Siya din yung isa sa nag-push sa akin na mag-join ng pageant kasi nga siguro sa height and, di ba, yung ganda…” sabi ni Jessilen sa interview vlog.
Read: Maja Salvador’s sister tries luck in Binibining Pilipinas 2023
MAJA WANTS SISTER Jessilen TO STEP OUT OF HER SHADOW
Sa vlog ni Maja noong August 2021, ipinakilala niya sa kanyang followers si Jessilen.
Si Jessilen ay half-sister ni Maja at lumaki sila sa magkaibang bahay.
Pero ayon kay Maja, bagamat half-siblings sila, ang turing niya sa mga ito ay buong kapatid.
Si Jessilen ay sumusubok din sa showbiz. Talent siya ng Crown Artist Management, ang talent management na pinamamahalaan ng kanyang kapatid na si Maja.
Sa vlog, sinabi ni Maja na bata pa lamang ay nakikitaan na niya ng potensiyal si Jessilen na mag-artista.
Sabi ni Maja sa kapatid, “Bata pa lang si Jessie sinasabi ko na, ‘Uy, etong si Jessie magiging artista to,’ parang namarkahan ko na.”
Katulad ni Maja, si Jessilen ay mahusay rin pagdating sa sayaw.
Bagamat nadidikit ang pangalan ni Jessilen sa kanya, gusto raw ni Maja na makagawa ng sariling pangalan ang kapatid.
“I want her to shine on her own. Syempre, hindi maiiwasan na [ma]-compare,” sabi ng aktres.
“Alam ko siya magsa-shine siya dahil very talented.
“Feeling ko kasi sa atin lahat nali-late natin nadi-discover kung ano pa yung kaya nating gawin.
“Pag dumating na yung time, confident ka na, ready ka na, lahat yan sunod-sunod na.
“I can’t wait na mangyari yon kay Jessie. Ako alam ko magsa-shine siya with or without me. May Salvador blood [siya].”
