PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Filipino-Canadian Tyson Venegas gets Platinum ticket in American Idol

Tyson Venegas joined The Voice Teens PH in 2020.
by Jojo Gabinete
Published Feb 22, 2023
tyson venegas american idol
17-year-old Filipino-Canadian Tyson Venegas is the first Platinum ticket holder of American Idol Season 21. Tyson joined The Voice Teen Philippines in 2020 but had to quit due to COVID-19 restrictions.
PHOTO/S: @tyson venegas on Instagram

Patuloy ang pasasalamat ni Tyson Venegas kina Luke Bryan, Katy Perry, at Lionel Richie dahil siya ang kauna-unahang contestant na binigyan ng Platinum ticket ng mga hurado sa Season 21 ng American Idol.

“This is a dream come true! Thank you so much @americanidol for this opportunity! I still can’t believe it!” Instagram post ng 17-year-old Filipino-Canadian talent nitong Miyerkules ng umaga, February 22, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nakapasa siya sa auditions, tiyak na ang pagpunta ni Tyson sa Hollywood para sa susunod na round ng sikat na singing competition na kanyang sinalihan.

“There is so much talent on American Idol and I’m just honoured to be a part of it,” naunang pasasalamat ni Venegas sa mga hurado ng American Idol.

Binigyan siya ng standing ovation dahil bumilib nang husto sa kanyang mahusay na pag-awit sa "New York State of Mind," ang 1976 song ng American singer na si Billy Joel.

“Spot-on perfection,” papuri ni Lionel sa kanya.

“You are exactly what we look for, what we pray for,” reaksiton naman ni Luke sa performance ni Venegas.

Read: Francisco Martin finishes in American Idol grand finals at Top 5

Nagkaroon ng speech delay problem si Tyson noong maliit pa siya at ang musika ang nakatulong para gumaling ang kanyang kundisyon.

Hindi baguhan si Tyson sa pagsali sa mga singing contest. Siya ang pinakabatang nanalo, at 7 years old, sa Star Showcase Award sa Pacific National Exhibition (PNE) ng Canada noong August 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang malaking sorpresa noon para kay Tyson ang paglapit at pagbati sa kanya ni Michael Bublé, ang sikat na Canadian singer na isa sa mga iniidolo niya at dating winner ng PNE.

Noong 2018, pinahanga ni Tyson ang manonood nang kantahin niya sa Little Big Shots ang "Superstition" ni Stevie Wonder.

Si Steve Harvey ang host at isa mga producer ng Little Big Shots, ang American variety TV series na tumutuklas at kumikilala sa mga angking talino ng mga kabataan.

Kilalang-kilala si Tyson ng mga sumusuporta sa Philippine version ng The Voice Teens dahil sumali siya sa Season 2 ng reality singing competition ng ABS-CBN noong 2020.

Si apl.de.ap ang coach na pinili ni Tyson, na pinahanga rin ang The Voice Teens coaches na sina Lea Salonga Bamboo at Sarah Geronimo.

Pero tinalikuran ng 14-year-old pa lang noong contestant mula sa Vancouver, British Colombia ang programa dahil sa COVID-19 restrictions kaya hindi nangyari ang kanyang inaasahang tagumpay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si apl.de.ap ang nag-anunsiyo noon ng malungkot na balita tungkol sa pamamaalam ni Tyson sa The Voice Teens.

The Voice has always been a program to celebrate vocal talent. Kapag may nakikilala kaming artists na may kakaibang galing, ipinaglalaban namin.

“Unfortunately, after a couple of discussions with the family, isang miyembro ng Team apl ay hindi na tutuloy sa competition, and that artist is Tyson,” pahayag ni apl.de.ap.

Read: The Voice Teens Season 2 declares four grand champions; each gets half a million pesos and a house and lot!

Pero makalipas ang tatlong taon, natuwa ang mga tagahanga ng The Voice Teens Philippines nang mapanood nila si Tyson sa Part 1 ng auditions ng Season 21 ng American Idol noong February 19.

Naniniwala silang malaki ang tsansa niyang manalo at ito ang kapalit ng kanyang naudlot na partisipasyon sa reality singing competition ng ABS-CBN.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
17-year-old Filipino-Canadian Tyson Venegas is the first Platinum ticket holder of American Idol Season 21. Tyson joined The Voice Teen Philippines in 2020 but had to quit due to COVID-19 restrictions.
PHOTO/S: @tyson venegas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results