Nagpiyesta na naman ang netizens sa bagong post ng aktor na si Joseph Marco sa Instagram ngayong Miyerkules, February 22, 2023.
Nagbahagi ng larawan si Joseph suot ang iniendorso niyang underwear.
Maikling caption niya rito: “Talk less.”
View this post on Instagram
Isa sa nagkomento rito ay ang kaibigan niyang si Gerald Anderson.
Sabi ni Gerald, “Pipe city”

Biro naman ni Archie Alemania, “Patay ka sakin naunahan mo lang ako mag post”

Matatandaang ginaya ni Archie ang naunang “pabakat” post ni Joseph noong February 14, Valentine’s Day.
Read: PABAKAT 2023: Joseph Marco’s viral sexy photo "inspires" Joel Palencia and Archie Alemania
Samantala, kunyari namang “sinita” ng netizens si Joseph sa kanyang bagong post dahil Ash Wednesday ngayon, hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.



Tuloy raw ang “pabukol festival” ayon pa sa isang netizen.

Noong Araw ng mga Puso, pinagkaguluhan ng netizens ang larawan ni Joseph dahil halata ang “bakat” ng aktor.
Si Rosanna Roces nga ay tatlong beses pang nagkomento dahil tila nagkasala raw siya.
Wala pa ring reaksiyon si Joseph sa mga komento nila.
