PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Padilla, Dir. Meily Debate Film Ban

“Pumapalakpak ka, bawal dito. Kanina pa ako kumakalma sa inyo."
by Gorgy Rula
Published Feb 24, 2023
robinhood padilla senate hearing
Senator Robinhood Padilla (right) to DGPI President Mark Meily (left, in blue suit) on move to ban Hollywood movie Plane: “Ang sinasabi ko dito, Direk, huwag tayong masyadong ano, kasi nasasaktan na kami, e. Mga Muslim, pagdating sa amin, okay sa inyong lahat, e. Pero eto, example lang yun. Parehas ang sitwasyon niyan. Walang umangal isa sa inyo nung nag-ban tayo ng Disney movie. Pero heto, Muslim. Jolo. The heart of the Muslims, the sultanate of Sulu, lahat kayo okay lang, fiction? Bakit yung D
PHOTO/S: Senate of the Philippines

Isa sa mainit na pinag-usapan sa hearing ng Committee on Public Information and Mass Media noong Huwebes, February 23, 2023, ay ang isyu ng Hollywood movie na Plane na na-pull out na sa mga sinehan.

Si Senator Robinhood Padilla, na chairman ng komite, ang nag-preside ng hearing.

Read: MTRCB: Hollywood movie Plane voluntarily pulled out by distributor

Bago ito, pinag-usapan muna ang pag-expand ng mandato ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto-Antonio.

Kasama ni Chair Lala ang kanyang legal team at ilang miyembro ng Board of Directors ng naturang ahensiya.

Ilan sa mga taga-industriyang nandun ay sina Mark Meily, Erik Matti, at Carlitos Siguion-Reyna ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI); Imelda Papin ng Actors Guild; Laurenti Dyogi ng ABS-CBN; legal team ng GMA Network; at si Vincent del Rosario ng Viva Entertainment.

Nasa panel din ang mga kinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Zoom naman sina Senators Grace Poe, Ramon "Bong" Revilla Jr., at Jinggoy Estrada.

Umabot ng mahigit tatlong oras ang hearing.

Karamihan sa napag-usapan ay ang pagpapalawak ng mandate ng MTRCB, at kung sasaklawin na rin ba nito ang online streaming platforms at on-demand streaming services.

Read: Senado, magsasagawa ng pagdinig para sa panukalang saklawin ng MTRCB ang streaming platforms

Bandang huli ay pinag-usapan ang isyu sa pelikulang Plane.

Matatandaang hiniling ni Senator Padilla na i-ban sa Pilipinas ang Hollywood movie na pinagbibidahan ni Gerald Butler dahil nakakasira umano ito sa imahe ng Pilipinas, partikular na sa mga kapatid nating Muslim.

Read: Senator Robinhood Padilla wants to ban Hollywood movie Plane in the Philippines

Sa kalagitnaan ng diskusyon ay tinawagan nila sa telepono ang governor ng Jolo, Sulu na si Abdusakur Tan.

Nagpahayag si Governor Tan ng pagkadismaya sa pagsasalarawan ng Sulu sa Plane, pero alam naman daw nilang fiction lang ito at hindi alam ng nasa production ng pelikulang Plane kung ano talaga ang kanilang lalawigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana huwag naman nilang gawin yan, dahil napakaganda ng ating lalawigan. Ang daming mga tourists na pumupunta," bahagi ng pahayag ni Governor Tan.

Pero sa kanila raw sa Jolo ay mas pinapanood nila ang local films, lalo na ang mga drama series na napapanood sa telebisyon.

Sabi ng gobernador, “Hindi naman namin pinapansin yan, dahil hindi naman namin pinapanood yan. Ang pinapanood namin dito ang drama, ang ating programa.”

Sa huli ay nagpasalamat si Governor Tan sa concern ni Senator Padilla sa mga kapatid niyang Muslim.

Pagkatapos nito ay nagsalita rin si Senator Poe tungkol dito, kung saan sinang-ayunan niyang fiction lamang ang Plane.

Pahayag ni Senator Poe, “Maganda yung sinabi niya na suportahan natin ang pelikulang Pilipino at sinabi rin niya tungkol sa pelikulang Plane, ito ay fictional movie, no?

“Kung matatandaan ninyo siguro, si FPJ [Fernando Poe Jr.] ang nakagawa ng maraming mga pelikulang naglalarawan ng kagandahan at kagalingan ng ating mga kapatid sa Mindanao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nandiyan yung Muslim .357, nandiyan yung Perlas ng Silangan, nandiyan ang Zamboanga, dahil bilib nga siya diyan.

“Kaya pag may mga sinasabi na ganyan, na ganito tungkol sa Mindanao, e, meron naman tayong pantapat diyan.

"At katulad nga ng sinabi mo, si 300 na aktor [Gerald Butler] dito sa pelikulang Plane. Meron din siyang ginawang pelikulang sa London na parang ganun din na pelikula, na akala mo nga inutil din ang mga security forces diyan sa U.K., no?

“So, you know, that is not necessarily true, that is fiction.

“So, may pantapat din na pelikula that will dispel those claims of other movies.”

Ang tinutukoy ni Senator Poe na pelikula ni Gerald Butler ay ang London Has Fallen (2016).

SENATOR PADILLA CALLS OUT DIRECTOR MARK MEILY

Pinuna naman ni Senator Padilla ang pagpalakpak ni DGPI President Mark Meily sa mga pahayag nina Governor Tan at Senator.

Ikinagalit ito ng actor-politician dahil, para sa kanya, kahit fiction ang pelikulang Plane, hindi sila papayag na ganun ang pagsasalarawan ng Sulu lalo na sa kanilang mga Muslim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Padilla, “Maaaring sa inyo, nakakapalakpak. Pero kaming mga Muslim, hindi kami magpapalakpak.

“Fiction sa inyo yan, pero tumatama sa amin yun.

“Jolo is not fiction. Philippines is not fiction. Lugar namin yun.

“Maaaring sa inyo, okay. Pero sa amin, mananatili ang posisyon namin, nasaktan kami rito.

“The Muslims will never accept that this movie is fiction. Maybe for you, but for us, no. Because, terrorism is never a part of our religion.”

Gusto pa sanang sumagot ni Direk Mark, pero sinabihan siya ni Senator Padilla na nagtitimpi lang siya sa naturang direktor.

“Pumapalakpak ka, bawal dito. Kanina pa ako kumakalma sa inyo.

“Hindi ko gustong pumapalakpak ka, e. This is my hearing!” pagdidiin ni Senator Padilla.

Humingi ng paumanhin si Direk Mark at hindi na niya sinalubong ang galit ng senador.

Naiintindihan daw niya ang naramdaman ng senador sampu ng mga kapatid nating Muslim.

Sabi ni Direk Mark, “Humihingi ako ng paumanhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Senator, I agree with you. Nirerespeto ko yung nararamdaman mo.

“I'm active also helping with the BARMM [Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao] authority through our government services. Nag-agree kami.

“Ang position lang namin is about banning of films in general.

“So, nirerespeto namin yung nararamdaman mo. And I agree with that na ano…masakit yun.

“Ako, yung ginagawa ng China ngayon sa Pilipinas, apektado rin ako.

“So, it’s not ano… alam namin na masakit.”

Binanggit naman ni Senator Padilla ang nangyari noon sa animation movie na Abominable (2019) na ipina-ban sa Pilipinas, pati sa Vietnam at Malaysia, dahil sa naipakita sa isang eksenang sinusuportahan ang claim ng China sa South China Sea.

Sabi ng actor turned senator, “Direk, nung ginawa yung Disney, ginawa nila yung Pilipinas…

“Ginawa yung pelikula ng Disney about sa West Philippine Sea na ayaw nating pumayag, nagsalita ba kayo?

“Sinabi niyo ba bakit binan?”

Sumagot naman agad si Direk Mark na hindi pa siya kasama roon at wala siya sa posisyon para magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang hearing ay naglabas ng statement ang Directors' Guild of the Philippines, Inc. kung saan tinutulan nila ang anumang hakbang upang i-ban ang pagpapalabas ng Plane sa Pilipinas.

Read: Directors Guild of the Philippines Inc. opposes moves to ban Plane in PH

Himutok naman ni Senator Padilla, “Ang sinasabi ko dito, Direk, huwag tayong masyadong ano, kasi nasasaktan na kami, e. Mga Muslim, pagdating sa amin, okay sa inyong lahat, e.

"Pero eto, example lang yun. Parehas ang sitwasyon niyan.

“Walang umangal isa sa inyo nung nag-ban tayo ng Disney movie. Pero heto, Muslim. Jolo. The heart of the Muslims, the sultanate of Sulu, lahat kayo okay lang, fiction?

“Bakit yung Disney, hindi ba fiction yun?”

(Ang Abominable ay ginawa ng DreamWorks Animation, hindi Disney.)

Malumanay na sagot ni Direk Mark, “Sir, inuulit ko po, hindi po kami nagdi-disagree sa nararamdaman niyo. In fact, personally ako… tama kayo dun sa sinabi niyo. Nag-agree ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero giit ni Senator Padilla, “Nag-react kayo, e, dahil sa nag-react kaming mga Muslim.

“Iyon kasi yung position namin. That is the heart of the sultanate of Sulu.

“Maraming salamat po, discussion lang to.”

Nagdagdag din ng paliwanag si Direk Carlitos Siguion-Reyna na umaayon sila sa saloobin ni Senator Padilla pati ang mga kapatid na Muslim.

Ipinaliwanag niyang kahit sa international press ay nagkomento sa isyung ito at nilinaw na hindi naman ito nakakasira sa reputasyon ng mga Pilipinas.

Pero sinabi ni Senator Padilla, sana ay naramdaman naman daw niyang nag-side sila sa kanilang mga Muslim.

Bago natapos ang hearing, humingi ang senador ng paumanhin sa mainit na pagtatalo, pero nilinaw niyang hindi sila magkakagalit.

Ayaw raw nilang tapusin ang pagdinig na nagkakagalit sa isa’t isa.

Saad niya, “Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga bisita. Pasensiya na po kung merong hindi nagkakaintindihan. Hindi naman po ibig sabihin nun ay tayo po ay maghihiwalay na magkakagalit dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Katulad nga po ng sinabi ni Direk, freedom of expression. Na-exercise lang po natin ang ating kalayaan na magsalita, at ipahiwatig yung ating nasa isip at damdamin.

"Pero hindi po ibig sabihin nun, ang mga tagapelikula ay pag-alis po dito ay magkagalit na. Hindi po.

“Kami po ay natuto sa bawat isa at nirespeto po natin yung creative point of view ng bawat isa.

"At nagpapasalamat po tayo, at sana po ay huwag po kayong madala, Direk. At yun pong sinabi mo kanina ay maganda po yun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robinhood Padilla (right) to DGPI President Mark Meily (left, in blue suit) on move to ban Hollywood movie Plane: “Ang sinasabi ko dito, Direk, huwag tayong masyadong ano, kasi nasasaktan na kami, e. Mga Muslim, pagdating sa amin, okay sa inyong lahat, e. Pero eto, example lang yun. Parehas ang sitwasyon niyan. Walang umangal isa sa inyo nung nag-ban tayo ng Disney movie. Pero heto, Muslim. Jolo. The heart of the Muslims, the sultanate of Sulu, lahat kayo okay lang, fiction? Bakit yung D
PHOTO/S: Senate of the Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results