PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda disappointed with Liza Soberano's "this is me" vlog

Boy to Liza: “Do not disregard your past.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 28, 2023
Boy Abunda reacts on Liza Soberano's latest vlog
Boy Abunda on Liza Soberano: "Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo. Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/ Liza Soberano YouTube

Dismayado ang TV host na si Boy Abunda sa inilabas na vlog sa YouTube ng aktres na si Liza Soberano.

Simula pa noong Linggo, February 26, 2023, usap-usapan na sa social media ang "this is me" vlog ni Liza sa YouTube na naglalaman ng mga detalye patungkol sa kanyang showbiz career.

Dito ay ipinaliwanag ni Liza kung bakit siya nagdesisyong lumipat ng talent management company na hahawak sa kanyang showbiz career.

Noong June 2022, pumirma ng kontrata si Liza sa Careless Music, ang music label at management company na pagmamay-ari ng singer-actor na si James Reid.

Hindi na nag-renew ng kontrata si Liza sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at sa co-manager niyang si Ogie Diaz.

Sa vlog, sinabi ni Liza na ang paglipat niya ng management ang nagbigay daan sa kanyang kumawala sa mga taong nagdidikta sa mga ginagawa niya sa loob ng mahabang panahon.

Mula raw kasi noong siya ay 16 years old ay laging ibang tao ang nasusunod kung anong proyekto ang gagawin niya at limitado lamang ang mga taong nakakatrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano opens up about people getting “disappointed” with decision to change management

Dahil sa pahayag na ito, may ilang kumukuwestiyon at bumabatikos sa kawalan umano ng appreciation ni Liza sa mga proyekto at mga taong naging daan para sumikat siya bilang artista.

Kabilang sa nagbigay ng reaksiyon ay ang dati niyang manager na si Ogie.

Read: Dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, may mensahe sa aktres

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 28, 2023, nagpahayag din ng reaksiyon at sentimyento ang host na si Boy Abunda.

Bukod sa pagiging beteranong host, si Boy ay isa ring talent manager.

Kabilang sa mga artistang hinawakan ng kanyang talent management company na Backroom, na naging Asian Artists Agency, ay sina Ai-Ai delas Alas, Dawn Zulueta, Gretchen Barretto, Julius at Tintin Bersola-Babao, Karen Davila, Amy Perez, Sitti Navarro, Gelli de Belen, Drew Arellano, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, K Brosas, Aiko Melendez, Ariel Rivera, Pooh, Ima Castro, Dominic Ochoa, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang punto ay hinawakan din ni Boy ang mga career nina Kris Aquino at Dina Bonnevie.

Ayon kay Boy, maging siya ay nagulat at nadismaya sa mga binitawang pahayag ni Liza.

Aniya, ibang-iba ang nakita niyang Liza sa vlog sa Liza na nakilala at minahal ng karamihan noon.

Sabi ni Boy, "Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako doon sa vlog, I'm not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog.

"Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager. Gusto kong magsalita bilang manager.

"May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?

"Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she's doing."

Wala naman daw kaso kung gawin ni Liza ang mga nais niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang masakit at hindi lang daw katanggap-tanggap ay ang sinabi ng aktres na hindi siya binigyan ng karapatang magsalita at pumili sa kung ano ang mga gusto niya noon.

Saad ni Boy, "Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya doon na, 'I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.'

"Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country.

"At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw yon.

"For the last thirteen [13] years, yung hinangaan namin, hindi si Liza yun. Because you were saying in your vlog na—I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don't know the intent, I don't know where she wants go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga managers."

Kabilang sa mga naging direktor ni Liza sa kanyang mga proyekto noon sa TV at pelikula sina Cathy Garcia Molina (My Ex and Whys, Forevermore, Dolce Amore, Make It With You), Mae Cruz Alviar (She's The One, Everyday I Love You, Dolce Amore), Theodore Boborol (Just The Way You Are), at Antonette Jadaone (Alone/Together).

BOY's ADVICE TO LIZA

Bilang manager, subok na raw ni Boy na hindi panghabambuhay ang pananatili ng kanilang talents sa kanilang pangangalaga.

Hindi naman daw ito mapipigilan dahil para ito sa kani-kanilang personal at career growth, katulad na lamang ng nangyari kay Liza.

Wala raw intensiyon na batikusin ni Boy ang mga naging desisyon ni Liza ngunit sana raw ay hindi kinalimutan ng aktres kung paano at saan siya nagsimula.

Sabi ni Boy kay Liza, "You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa mga taong dumaan sa buhay mo at nakasama mo.

"Because you are where you are today, dahil sa mga taong tumulong sa iyo."

Maaaring may mga karanasan daw si Liza na hindi niya kagustuhan, ngunit huwag daw sana itong maging rason para talikuran niya kung sino siya noon.

"Liza, lahat ng nangyari sa iyo, nothing is ever wasted. Lahat yan, magiging point of references mo.

"Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo.

"Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today."

Sa huli, may mensaheng iniwan si Boy kay Liza.

Aniya, "You know, Liza, I love her. I love you, if you're watching this, proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude."

Dagdag pa niya, "You know what you should do, say thank you, because gratitude opens your heart and your life to more blessings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano on people who made her a star: "I wouldn't have the name that I have, if it weren't for them."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda on Liza Soberano: "Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo. Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/ Liza Soberano YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results