Hindi pa tapos si Pokwang sa kanyang patutsada sa dating kinakasama na si Lee O’Brian.
Sa Instagram, marami ang nakapuna sa ibang glow daw ni Pokwang ngayon.
Sabi ng isa niyang follower, “Ma, iba yong glow mo ngayon sa trueee lang.”
Sagot ng TiktoClock host, wala na raw siyang pinapakain sa kanilang bahay na kung ituring niya ay “patabaing biik.”
Post ni Pokwang, “@hialvinmartin kasi nga nak wala na akong patabaing biik bwahahhahaha.”

Sang-ayon ng isa pa niyang follower, “Mamang ang fresh ng beauty mo.”
Tugon ng TV host-comedienne, wala na raw "parasite" o linta na umaasa sa kanya para mabuhay.
Buong komento ni Pokwang, “@sandycbagalihog salamat wala na kasing parasite sa buhay ko hahahaaha.”

POKWANG AND LEE'S ISSUE OVER MONEY
Wala mang tinukoy na pangalan, malinaw na si Lee ang pinasasaringan ni Pokwang.
Makailang beses nang inihayag ni Pokwang na siya ang bumubuhay sa dating partner sa loob ng anim na taon nilang pagsasama.
Diretso niyang tinawag si Lee na "palamunin."
Taliwas ito sa sinabi niya noong July 20, 2022, sa panayam ng 24 Oras, na hindi pera ang pinag-awayan nila.
Aniya, "Nasasaktan lang ako dun sa mga nababasa ko, kesyo palamunin ko raw. Masipag po iyong tao."
Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”
Wala din daw ito ambag sa pagpapalaki nila sa kanilang limang taong gulang na anak, si Malia O’Brian.
Read: Pokwang tells on ex-partner Lee O'Brian not giving child support: “5years!!!!”
POKWANG ON MALIA'S CHANGE OF SURNAME
Kahapon, March 2, 2023, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Isiniwalat pa ni Pokwang na bukod sa "batugan" daw si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis noon niya sa kanilang anak.
Tinawag din niyang “user” ang ex-partner.
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sunud-sunod ang patutsada ni Pokwang kay Lee matapos isapubliko ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Birada pa ni Pokwang, "chaka" ang ipinalit sa kanya ni Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
THE BREAKUP
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
Noon namang Pebrero 2023, sa panayam ni Boy Abunda sa GMA-7, ibinunyag ni Pokwang ang isa pang pinanggalingan ng hidwaan nila ni Lee.
Kinumusta ng komedyante si Lee tungkol sa isang negosyong itinayo nila mula sa puhunan ni Pokwang.
Hindi raw nagustuhan ni Lee ang pagtatanong sa kanya. "Parang ang dating sa kanya," ayon kay Pokwang, "hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman."
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Nitong mga nakaraang araw, tinawag pa niyang “inggrato” si Lee at nais na niya itong maglaho sa Pilipinas.
Read: Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "ingrato"
