Fresh pa rin ang dating ni Keanna Reeves nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa birthday bash ng movie producer na si Marc Cubales noong Marso 2, 2023, Huwebes ng gabi, sa Villa Matilde, Quezon City.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Grabe naman, ine-expect mo, bulok na?! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Keanna.
2004 nang pumutok ang revelations ni Keanna bilang escort girl. Magdadalawang dekada na ang nakalipas pero parang hindi nagbago ang kanyang hitsura.
Read: Keanna Reeves recalls working as escort girl; claims there are stars getting "pa-booking"
“Ay! Thank you! Twenty years?! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang walang dumaang bagyo!” sabi ng big winner sa unang celebrity edition ng Pinoy Big Brother (PBB) noong 2006.
Lapitin pa rin siya ng boys?!
Umismid si Keanna at naghimutok, “Wala nga, e! May bayad na kasi. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Dati kasi, libre-libre lang. Ang babae lang yung may bayad. Ngayon, baligtad. Ang lalaki na yung binabayaran. Yung babae na ang nagbabayad.”
KISS AND TELL
Andami-daming boys sa showbiz! Marami pa rin ba ang naaakit sa kanyang alindog? Andami-dami niyang natikman dati, huh?!
“Actually, gusto nila! Kaso lang, iniisip nila, baka maisyu sila! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghagikgik ni Keanna.
“Kasi sabi nga nila, kiss-and-tell daw ako. Kasi every time daw na may mangyari, ikinukuwento ko daw.
“Sabi ko, ‘Nagse-share lang naman ako sa mga bakla. Kasi siyempre, hindi naman kayo matitikman ng mga bakla!’
“Tinatanong lang naman ako ng mga bakla kung malaki ba. O dyuts ba, o ganun. Nag-share lang ako, kaya natutuwa naman ang mga bakla pag ako nagsabi. Confirmed!
“Ano naman sila, para lang natakot sila.”
Sa mga natikman niyang aktor, sino ang natuwa dahil ibinuking niyang daks at magaling?
“Ang hindi nagalit sa akin, si Cogie Domingo. Kasi ano siya, e, parang proud siya. May basbas kami ni Tita Cristy [Fermin] din,” pagtatapat ni Keanna.
“Oo! Kasi kung wala kaming basbas ni Tita, e, siyempre, banatan ako ni Tita Cristy. Anak-anakan niya.
“E, totoo naman na may nangyari na ganun. Tapos, at least positive. Daks! Oo, yummy!”
Sa mga panayam nila noong 2007 ay parehong nag-deny sina Keanna at Cogie na nagkaroon sila ng sexual encounter.
Read: Keanna Reeves denies sexual encounter with Cogie Domingo
Read: Cogie Domingo also denies sexual encounter with Keanna Reeves
Pero sa podcast na Good Times With Mo noong May 30, 2016 ay ibinulgar ni Keanna ang mga pangalan ng aktor na nakatalik niya diumano.
Read: Keanna Reeves claims she had sex with these actors
Marami sa mga natikman noon ni Keanna ay nagsitanda na ang hitsura pero siya ay mukhang makatas pa rin.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ganito ako in person pero ang ibinibigay sa akin na role, mga tita, nanay,” himutok ni Keanna.
“Tapos sabi nila pag nakita nila ako na normal, ‘Bagets ka pa pala?!’ Sabi ko, ‘E binibigyan nyo ako ng role na matatanda, e! Akala tuloy ng mga tao, ang tanda-tanda ko na!’”
"HUWAG NIYO NAMAN AKO I-PO!"
Nahe-hurt ba siya pag tinatawag siyang "Tita" at nagpo-po ang mga bagets?
Pa-sweet na smile ni Keanna, “Hindi naman. Pag guwapo, ‘Huwag niyo naman akong i-po!’ Pero pag hindi guwapo, hayaan mo na. ‘Pag nag-tita ka sa akin, magrespeto ka, ha?!’
“Pag guwapo… ‘Huwag mo akong respetuhin, bastusin mo ako!’ Di ba?! Depende yun. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! O, di ba, ganun pa rin ako?!”
Inaasam ba niyang mag-settle down sa isang dyowa? Yung partner for life, yung pam-forever?
Read: Keanna Reeves breaks up with 20-year-old boyfriend: "Nalaman ng mudra!!!"
Natigilan nang ilang seconds si Keanna, “Parang ano, ayoko namang ipilit yan, yang mga bagay na ganyan. Kasi, sabi nga nila, kusa daw iyang darating.
“Ang mga booking, darating yan, kasi gusto mo, e. Pera-pera lang naman ang labanan dun.
“Pero yung mga true love at settle down, hindi puwedeng ikaw lang ang may gusto. Dapat pareho kayong gusto.
“Kasi galing na ako diyan. Mahirap nang lumayas.”
Andami niyang karanasan, at ang dami niyang maibabahaging aral sa buhay-buhay.
“Oo, yun ang tinatawag na tumandang may kinatandaan. Kasi, ang pangit kasing tumanda ka, pero pag kausap ka, masyado kang childish, labnaw,” seryosong pahayag ni Keanna.
“Proud pa rin ako. Kasi lahat ng mga nangyari sa akin, na-absorb ko yun. Positive man o negative, lesson yun. Mahalaga sa akin yun.”
FIRST PROJECT WITH VIVAMAX
First project ni Keanna sa Vivamax ang four-part series na Stalkers, starring Wilbert Ross and Rose Van Ginkel.
“Hindi naman ako naghuhubad dun. Ako yung nagko-comedy lang dun,” sabi ni Keanna.
Keri pa ba niyang lumaban sa hubaran at lampungan?
“Huwag na. Kasi tapos na ako diyan. Sabi mo nga, almost twenty years na. So, mag-ibang level naman tayo,” mabining hirit ni Keanna.
“Ang comedy, wala namang season ang comedy. Ang comedy, forever. Pero yung pa-sexy mo, siyempre may expiry date yun. Ha! Ha! Ha!
“Tapos yung Hoy, Love You naman namin sa iWant, I think mag-Season 4 na kami. Kasi parang… parang nagpaparamdam si Roxanne Guinoo sa mga post niya.
“Na parang, ‘Season 4!’ Mga ganun. Kaya sabi ko, ‘Ay! Nagbabadya!’
“Sa ngayon, ang ginagawa ko, regular job sa opisina. Marketing head ako ng company.
“And then mayroon akong pilot ngayong Sunday, yung Let’s Talk About K. Season 3 na kasi siya, talk show. Sa page siya, livestreaming lang.
“Pero in fairness, ang set-up namin, parang TV talaga. Kaya medyo magastos. Kasi bayad lahat, may mga staff. May direktor, studio.
“Kaya ayun, ano kasi… passion mo kasi. Yung kahit mapunta ka sa business, mapunta ka sa mga businessman na kasamahan mo, hindi pa rin mawawala sa dugo mo yung showbiz.
“Kasi kahit hindi ka naman kikita ng malaki, gusto mo lang na mayroon kang gagawin pa rin about showbiz pa rin.
“So yun, nag-aano kami ng production. Nag-i-event din kami. Kaya nandito ako, kasi iaano ko kay Marc Cubales yung project namin para meron kaming ipapa-produce sa kanya.
“So ano, di ba? Ang yumaman lang naman sa showbiz, yung mga big stars, e!
“Oo at parang like kayo, di ba, passion niyo yun, e! Passion niyo yun na nasa press kayo, nag-e-enjoy kayo, di ba?
“Kahit puyat, di ba, hindi natin iniisip yung puyat natin? Kasi nag-e-enjoy tayo. Naiintindihan ko na yan.”
CYBER LIBEL CASE
Isa sa malalaking isyu na kinasangkutan ni Keanna ay kasong cyber libel, at nakulong siya noong Nobyembre 12, 2018.
Read: Keanna Reeves, businesswoman file cyberlibel against each other
Natawa muli si Keanna, “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ano yun, about cyber libel dahil sa post-post ko… Hindi naman natuloy yun.”
Nag-behave ba siya after that?
Napakunot-noo si Keanna, “Hindi naman, ganun pa rin pero be more on wais lang. Kasi dati, di mo pa naman alam yung mga batas-batas.
“So ngayon, mula nung na-experience ko yun, hanggang ngayon, mahilig ako magbabasa about sa batas para kahit maldita ka…
“Kasi ang personality ko is parang kung ano yung totoo, pinaglalaban ko. So, kailangan aware din ako sa batas para naman hindi ako mapahamak.
“Kasi hindi puwedeng sugod ka lang nang sugod, tapos kalaunan ikaw pala ang talo dahil mali ang ginagawa mo. Lesson learned yun.”
Na-trauma ba siya roon?
“Hindi naman! Hindi naman ako na-trauma. Parang… naniniwala kasi ako sa mga sitwasyon na nangyari,” pagmamatuwid ni Keanna.
“Walang may gusto nun. Yun lang yung result. Result ng kaignorantehan natin sa batas, parang ganun.
“May kasabihan nga, di ba na, ‘Ignorance excuses no one.’ Parang ganun. Ignorance of the law excuses no one.
“So, parang yun ang nangyari sa akin na ignorante ako dun, wala akong alam sa batas kaya ayun.”
ON FRIENDSHIP WITH RUSTOM/BB
Noong nasa PBB Celebrity Edition siya ay nagkalapit sila ni Rustom Padilla, na later on ay naging BB Gandanghari.
Nagtuluy-tuloy ba ang friendship nila? Nagkikita ba sila o nagkakausap?
“Nandito ata siya. Parang… hindi pa kami nagkita. Ano kasi siya, parang more on nag-focus siya sa blogging. Kasi, nagba-blog siya, may YouTube siya,” saad ni Keanna.
Nag-uusap pa rin sila?
“Hindi na. Parang may something nung umalis siya. Parang may tampo lang siya sa akin.
“Personal na namin yun dahil may mga bagay-bagay tayo na isinaalang-alang. Parang may mga limits tayo. So, hindi naman tayo laging all out.
“Mayroon tayong bagay na hindi natin puwedeng gawin.”
