Si Lars Pacheco ang itinanghal na Miss International Queen Philippines 2023 sa katatapos lang na coronation night sa Aliw Theater, Pasay City ngayong gabi, March 11, 2023.
Tinalo ni Lars ang 24 pang kandidata na naglalaban-laban para sa korona.
Si Michelle Bermudez ang itinanghal na 1st runner-up at 2nd runner-up naman si Barbie Alawi.
Si Anne Patricia Lorenzo naman ang kinoronahang 3rd runner-up at 4th runner-up si Tamira Willis.
Si Lars ay lalaban sa Miss International Queen 2023 sa Thailand.

Si Michelle ang magiging pambato ng bansa sa Miss Trans Star International 2023.
Si Barbie naman ay magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Mardi Gras International Queen 2023.
Sumali si Lars nung 2022, pero hanggang semi-finals lang siya nakapasok noon.
Ngayon ay natutunan na ni Lars na maging focused at di paapekto sa iba lalo na sa social media.
Kuwento ni Lars, "Yung mga preparations na ginawa ko same lang last year, pero ngayon mas nag-focus ako i-prepare yung mental health.
"Last year kasi, sobrang na-pressure ako sa mga bashers, nabigyan ko sila ng time.
"Pero this time kasi, though nagbabasa pa rin ako, hindi ko na siya dinidibdib ngayon.
"Yun ang nakapag-distract sa akin last year. Ngayon, na-adapt ko na siya. Normal na lang na nandiyan lang sila."
Read: Lars Pacheco joins Miss Queen International PH for the second time
