Kinumpirma ni Wilbert Tolentino na nagkaayos na sila ng kapwa vlogger na si Zeinab Harake.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wilbert sa opening ng bago nitong negosyo, ang Tokyo Grill, sa Tomas Morato, Quezon City, noong March 10, 2023.
Pahayag ni Wilbert: "Okay naman kami. After the issue, nag-sorry naman siya sa akin.
"Nag-usap naman kami talaga nang heart-to-heart talk.
"Siyempre, kahit sabihin natin na nagkaroon kami ng malalim na gap, still, ini-honor ko siya as one of my mentors pa rin sa vlog industry.
"Sama ng loob? On my part, wala na talaga."
Inimbitahan daw niya si Zeinab sa grand opening ng kanyang restaurant.
Sabi ni Wilbert: "Actually, in-invite ko siya last night, 1:18 a.m. ko siya minessage.
"Ang sabi ko sa kanya, 'Hi Mima! Bukas grand opening ko sa Tokyo Grill Unlimited Japanese restaurant. Kung keri mong mag-drop by, treat po kita.'
"Ang sagot niya sa akin, 'Hi, Ma, I'm sorry. Off ng yaya ni Bia and may sched po ako tomorrow. But thank you po sa invite.'"
WAS IT JUST A PUBLICITY STUNT?
Ngayong nagkaayos na sila ni Zeinab, hiningan ng reaksiyon si Wilbert sa espekulasyon ng iba na gimik lamang ang away nila para pag-usapan at lalong tumaas ang views ng vlogs nila.
Sabi ni Wilbert: "Ay hindi, hindi ko pagkakakitaan yung content na yan.
"On my part, nagsabi lang ako ng totoo. And bilang mentor ko siya, bilang negosyante, gusto ko rin naman na gabayan ko siya.
"Just like kung paano ko ginabayan si Herlene Budol, sila Madame Inutz, ganun din naman ang treatment ko sa kanya.
"Gusto ko lang i-wake up sa kanya. Baka mamaya lumala pa kapag di ko siya naagapan."
Sa kabila ng mga nangyari, posible kayang mag-collab sila muli ni Zeinab?
Sagot ni Wilbert, "Kung magko-collab kami siguro pag malamig na ang mga issues."
THE CONTROVERSIAL WORD WAR
Pinag-usapan nang husto ang kontrobersiyal na word war nila dahil sa isyung gamitan at trayduran.
October 2022 nang almahan ni Wilbert ang aniya'y patutsada ni Zeinab tungkol sa isang "bading" na itinuring niyang nanay-nanayan, pero siya pa raw nagpaikot at sumira sa kanyang tiwala.
Buwelta ni Wilbert, si Zeinab ay "bait-baitan" at "pa-victim" pero may "attitude" sa tunay na buhay.
Umalma rin si Wilbert na bagamat si Zeinab ang nagpasok sa kanya sa mundo ng vlogging, tingin niya ay "mas nagamit" siya ni Zeinab nang kumita ito sa collabs nila noon.
READ: Wilbert Tolentino details what he knows about Zeinab Harake-Skusta Clee breakup
Isa-isang sinagot ni Zeinab ang paratang sa kanya ni Wilbert noon.
Inihayag ni Zeinab na totoong lumayo ang loob niya kay Wilbert, dahil tingin niya ay ito ang source ng kumalat na blind item tungkol sa problema nila ni Skusta Clee noong first quarter of 2022.
Si Skusta ay ex-partner ni Zeinab at siyang ama ng anak nilang si Bia.
Sinabi rin ni Zeinab na tuluyan siyang lumayo kay Wilbert bandang May 2022. Kinakaibagan daw ni Wilbert ang third party sa hiwalayan noon nina Zeinab at Skusta.
Ayon kay Zeinab, intensiyonal ang aniya'y kagustuhan ni Wilbert na pasakitan siya dahil may hindi siya nagawang TikTok content na ipinapagawa sana sa kanya ni Wilbert.
READ: Zeinab Harake reveals Skusta Clee’s “kabit” caused falling-out with Wilbert Tolentino
READ: Zeinab Harake slams Wilbert Tolentino for spreading "lies" about money issue
Lumala ang word war nina Skusta at Zeinab dahil may mga artista at vloggers na nadawit sa kanilang isyu.
WILBERT: "FORGIVE AND FORGET"
Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph kay Wilbert, sinabi nitong hindi niya akalaing aabot sa matinding away sa social media ang isyu nila ni Zeinab.
"Well, actually, dumating sa punto na nagkaroon kami ng misunderstanding. And on my part, kasi siyempre parang wala kaming closure.
"Hanggang finish line na lang ba ang friendship namin? Nabigla lang ako, parang nawala sa ano niya.
"The issue is parang nagkabali-baligtad sa social media. Parang pinalabas nila na in-entertain ko si Aira Libagta."
Ang tinukoy ni Wilbert na "Aira Libagta" ay ang hinihinalang third party sa breakup nina Skusta at Zeinab.
Iyon ang sinasabi ni Zeinab na dahilan kung bakit tuluyan siyang lumayo kay Wilbert noong May 2022.
Ayon kay Wilbert, May 2022 nang in-unfriend nga siya ni Zeinab sa social media.
Patuloy ni Wilbert ukol kay "Actually, after ng birthday ko, in-unfriend na niya ako. Siguro may pinagdadaanan siya during that time.
"May Baby Moon, so naiintindihan ko rin naman siya. Kaya lang buong team biglang nawala sa akin."
READ: Zeinab Harake suffers miscarriage; mourns passing of Baby Moon
Pero diin ni Wilbert, tapos na raw ang isyu nila ni Zeinab.
Aniya, "Siguro forgiveness. At least forgive and forget, and then start all over again. Yan ang pinakaimportante sa akin."
More hot stories on PEP.ph:
- Rica Peralejo, hindi nagbibigay ng advice sa pamangking si Heaven Peralejo
- Kim Atienza asked about liking netizens' criticisms about Vice Ganda
- Loi Canino: Nag-shift, ligwak sa scholarship, Top 9 sa board exam at may PHP300K cash gift
