Viral ngayon sa pageant sites at social media apps ang video ng Zoom meeting ng ilang mga kandidata sa katatapos lang na Miss International Queen Philippines (MIQP) 2023.
Kabilang sa meeting sina Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco at ang 3rd runner-up na si Anne Patricia Lorenzo.
Hindi man kita ang kanyang mukha, malinaw na si Anne Patricia ang may hawak ng cell phone kung saan ka-Zoom meeting niya ang tila iba pang kandidata.
Hindi kumpleto ang video kung kaya't hindi matukoy ang pinag-ugatan ng sagutan nina Lars at Anne Patricia.
Pero lumalabas na sinusumbatan ni Lars si Anne Patricia dahil sa pagiging late nito sa kanilang rehearsals.
Maririnig na sabi ni Lars kay Anne Patricia: “Consistent na late ka at alam ng mga girls yan na ikaw lang lagi ang inaantay.
"I didn’t brought up na ikaw ang laging late, it’s Teacher Devon who asked me kung bakit consistent na late ka.
“I was just, like, ‘O, mangyayari na naman katulad yung last year, sila yung mga late sa rehearsals.’ Not particularly you, ha.”
Sabi pa ni Lars, nagkalat sa stage yung mga late sa rehearsals.
Hindi raw binanggit ni Lars ang pangalan ni Anne Patricia, pero lagi raw itong naku-call out dahil late na nga ay hindi pa makasunod sa steps.
Nahihiya na lang daw si Teacher Devon kay Anne Patricia dahil may pangalan na ito.
Si Anne ang itinanghal na "Miss Q&A: Kween of the Multibeks" grand winner ng It’s Showtime noong October 2022.
Read: Miss Q&A: Kween of the Multibeks grand winner Anne Patricia Lorenzo trends on Twitter
Sabi pa ni Lars kay Anne Patricia: "Admit it to yourself na talagang hindi ka marunong magsayaw!"
Buwelta naman ni Anne Patricia: “Magaling ka ba magsayaw, Lars? Magaling ka ba magsayaw, Lars? Lars, nakakasunod ka ba?”
Dugtong pa niya, “Huwag mo ako pagsalitaan ng ganyan, Lars, because last year you are the one who always called out kaya nagtatago ka sa likod kasi ayaw mong makita.
“And it’s not even your problem kung late ako. Kung maaga ka, e, di mag-practice ka mag-isa.”
Sagot ni Lars, “That’s why I improved this year and that’s why I won.”
Maririnig na may biglang sumingit na boses at minura si Lars, na inakusahan niyang binili lang nito ang korona.
Sinaway ni Anne Patricia ang kasama niya sa kuwarto na minura si Lars dahil iba raw ang usapan nila.
Maririnig namang sabi ni Lars kay Anne Patricia: "Huwag mo akong sisihin. Huwag mo akong idiin sa issue. Nag-message-message ka pa sa akin, anong tingin mo sa akin? Uto-uto? Kung buang ako, mas buang ka, 'Day!'
Sagot ni Anne Patricia: “Ang kapal ng mukha mo, Lars! Isa lang ang sasabihin ko.
“There’s so many things na puwede akong magalit sa yo pero para i-brought up mo yan at sabihin mo yan sa akin, sa production number, alam mo ang puwede kong isipin sa yo, anong gusto mong isipin ko sa yo kung dun pa lang sa maliit na bagay, di ba?”
Ayon kay Anne Patricia, sana ay sinabi na lang sa kanya ni Lars nang personal ang tungkol sa pagiging late niya. Magkaibigan naman daw sila mula noon pa.
Aniya, “Bakit mo ako ginaganun, Lars? You are my friend. Alam mo yan, marami tayong pinagsamahan hindi lang sa kumpetisyon na to.
“Puwede mo akong sabihan, ‘Anne,’ kahit huwag mo na ako tawaging ate, ‘Anne, bakit late ka? Bakit ganyan?’ Bakit kailangang gawin mo sa akin yun, Lars?”
JULIANA ACCUSES LARS OF BUYING THE CROWN
Biglang nawala si Lars sa kanilang Zoom meeting.
Pagpapatuloy na litanya ni Anne Patricia sa video: “Di ba? Bastos siya. Nung na-corner na siya ni Angelica, sa nakita ni Angelica, nag-left siya.
"Ibig sabihin, may issue talaga siya sa akin.”
May isa namang nagtanong: “Sino yung sumigaw na binili mo ang korona?”
Sabi ng boses na hindi pa rin nakikita ang mukha sa video: “Ako.”
Dito na sinabi ni Anne Patricia na si Juliana Parizcova Segovia ang sumigaw: "Si Juliana. Juliana is here.”
Si Juliana ang "Miss Q&A 2018" grand winner.

Patuloy na sabi ni Anne Patricia, kahit wala na si Lars, “Okay lang naman, e. Wala akong pakialam sa bilihan ng korona, e. If that’s your way na manalo, gawin mo na lang na maayos na wala kang tinatapakang ibang tao. So wrong.
“Para anuhin mo ako kay Teacher Devon? Bago pa kita makilala even before, kilala ko na si Devon. Anong sinasabi niya nahihiya sa akin si Devon?
“Alam ba niya ang rason bakit ako laging late? Dahil nawawalan na ako ng gana dahil alam ko na, may nakarating na akin na balita.
“Bakit umalis siya? Yan ang sasabihin ko, e, after niya magsalita, e.
"Alam niya ba ang dahilan bakit ako late? Dahil nawalan na ako ng gana sa kumpetisyon just because may mga nakarating na sa akin.
"Pero hindi ko siya kinumpronta o hindi ako gumawa ng any eksena. Tinapos ko ng maayos ang contest.”
ANNE PATRICIA ISSUES OPEN LETTER
Ngayong Huwebes ng gabi, March 16, 2023, isang mahabang open letter ang ibinahagi ni Anne Patricia sa Facebook.
Dito niya isiniwalat kung ano ang pinanggagalingan ng kumprontasyon nila ni Lars sa video na open forum pala ng mga kandidata ng Miss International Queen Philippines 2023.
Narito ang open letter ni Anne Patricia:
"Since na open na ang issue dahil may nag post i want to keep my mouth shut pero i want to express this kasi kung hindi ngayon kelan ba since hindi na din naman to internal dahil kumalat na.
"1. Hindi tama na i send mo ang screen shot ng personal nating usapan at naka rating sa national director
"2. mali na gumawa ka ng personal gc with other candidates just to talk about me.
"3. Mali na Bantayan mo ang kilos ko at i report mo sa Choreographer. At ilaglag ako at brought up lahat ng maling bagay para ma trigger ang nag tuturo ng sayaw
"Wala akong issue sa result you are deserving because you work hard for the Crown. At ako ang taong naging masaya kahit malungkot ako for my self.
"Kasi pangarap mo yan. Naalala mo last year sabe ko sumali ka i support kita 100% magpalakas ka magpaganda do everything. I will support u in all aspect
"Para kitang kapatid. Higit kanino pa man ikaw ang nakaka alam ng lahat ng trials ko during the competition ikaw ang pinag sabihan ko.
"I was late twice 1st nung nang galing ako sa bulacan to fit my gown nag sabe ako kay direk na male late ako at pinayagan ako.
"2nd noong coronation na sobrang sakit ng paa ko dahil namanaga dahil sa tapilok ko at nag ca cramps pa. Mabagal ako kumilos oo kai may sprain ako at puro pasa ang paa ko sa tapilok ko during evening gown pero di ako dumaing sa inyo. Lahat yan alam mo sis.
"I was ok i was totally ok
"Pero ang masakit of all people bakit ikaw pa ang gumawa sakin i was betrayed ok lang sana kung iba pero bakit ikaw? You’re dominant sa mga candidates nag sasabe sakin. ano sabe ko dine defend kita sabe ko mabait yan mabait talaga yan baka hinohormonal imbalance lang.
"Pero para malaman ko lahat ng ginawa mo. U waste everything.
"Yun ang masakit
"At sa mga marites na gustong gusto ng issue ito na po. Total gumawa na kayo ng Prejudge sakin/ sa amin
"The video was posted was our open forum sa lahat ng nangyari. At lahat na brought up.
"Hindi un galing sakin o sa kampo ko maraming tao sa venue na yun at kung nagpakalat its my responsibilty na iimbestigahan.
"Lesson learned be kind even its so hard to be kind
"And trust no one.
"Ganon pa man mahal kita kasi hindi lang kita kaibigan kapatid na kita pero sana mag set to ng lesson sayo be mature sis.
"Dadating ang time magiging ok tayo pero sana mas mabuting mga tao na tayo nun."


Makalipas ang dalawang oras, binura din agad ni Anne Patricia ang kanyang post.
Kinoronahan si Lars bilang Miss International Queen Philippines 2023 noong March 11, 2023.
Si Michelle Bermudez ang itinanghal na 1st runner-up, at 2nd runner-up naman si Barbie Alawi.
Si Anne Patricia ang 3rd runner-up, at 4th runner-up si Tamira Willis.
Read: Lars Pacheco wins Miss International Queen Philippines 2023
