PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang Rejects Lee O'Brian's Visitation

Pokwang is not allowing ex-partner Lee O'Brian to see their daughter again.
by Arniel C. Serato
Published Mar 20, 2023
Pokwang on visitation rights of Lee'Brian
Kapuso TV host and comedienne Pokwang reveals she is not allowing ex-partner Lee O'Brian to see their daughter Malia anymore.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Mukhang hindi na pinapayagan ni Pokwang ang ex-partner nitong si Lee O’Brian na mabisita at mahiram ang anak nilang si Malia.

Sa Instagram post noong nakaraang linggo, nagbahagi si Pokwang ng isang short video ni Malia habang nagkukuwentuhan silang dalawa.

Aniya sa caption, “Hahhahahhahaa Maliaaaaa!!!!! hindi kana nga nakatulong sa pagbabagahe ko kinalat pa mga costume ko!!!!! sige! hala! #Happykamingwalaka #itoangmgadimonamakikitasaanakmo

Kapansin-pansin naman ang hashtags ni Pokwang na patama sa ama ng bata.

Kahapon, March 19, 2023, isang netizen ang nagtanong kay Pokwang tungkol sa visitation rights ng dating partner na si Lee.

Ayon dito, “@itspokwang27 Wala na ba sya visitation rights? Or not allowing him na hiramin si tisay Ganda?”

Diretsong sagot ng Kapuso comedienne-TV host: “ayoko po, nope! Hahahahaha anakan”

Pokwang answers netizen on Lee O'Brian's visitation rights

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang linggo nang binabanatan ni Pokwang ang ex-boyfriend matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan noong July 2022.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

Noong March 5, 2023, sinabi ni Pokwang na hangga’t hindi nagsu-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.

Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"

Bago pa nito, noong March 2, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."

Isiniwalat pa ni Pokwang na bukod sa "batugan" si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis niya noon sa kanilang anak.

Tinawag din niyang “user” ang ex-partner.

Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

Sa mga nakapansin naman sa kanyang bagong glow ngayon, wala na raw kasi siyang pinapalamong “patabaing biik” sa kanyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang replies to "iba yong glow mo ngayon" comment: "Wala na akong patabaing biik."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso TV host and comedienne Pokwang reveals she is not allowing ex-partner Lee O'Brian to see their daughter Malia anymore.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results